ITO raw ang kaniyang gustong epitapyo.
Sakto.
Hindi lingid sa kabatiran ng lahat na siya ay sikat na manunulat.
Sanay tayo sa kaniyang pagiging sanaysayista: In Search of the Word (Manila: De La Salle University Press, 1998); We Filipinos: Our Moral Malaise, Our Heroic Heritage (Manila: Solidaridad Publishing House, 1999); Soba, Senbei, and Shibuya: A memoir of post-war Japan (Manila: Solidaridad Publishing House, 2000); Why We Are Poor: Heroes in the Attic, Termites in the Sala (Manila: Solidaridad Publishing House, 2005; This I Believe — Gleanings from a Life in Literature (Manila: Solidaridad Publishing House, 2006; To The Young Writer and other essays (Manila: Far Eastern University Publications, 2008); Why We Are Hungry (Manila: Solidaridad Publishing House, 2008) at Gleanings From A Life In Literature (Manila: UST Publishing House, 2011).
Subalit ang ngalang F. o Francisco Sionil Jose ay kasingkahulugan talaga ng nobela: Po-on (Manila: Solidaridad Publishing House, 1984; Jakarta, 1988; Lisbon, 1990; Dusk, New York, 1998; Paris, 2001; Madrid, 2003); Tree (Manila: Solidaridad Publishing House, 1978; Moscow, 1983; Don Vicente, New York, 1999; Paris, 2002; Madrid, 2003); My Brother, My Executioner (Quezon City: New Day Publishers, 1979; Moscow, 1983; Hanoi, 1989; Don Vicente, New York, 1999; Paris, 2003; Madrid, 2004); The Pretenders (Manila: Solidaridad Publishing House, 1962; Moscow (Russian, Latvian, Ukrainian), 1971; Jakarta, 1979; Amsterdam/Brussels, 1980; Prague, 1981; Tokyo, 1983; The Samsons, New York, 2000) at Mass (Amsterdam/Brussels, 1982; Manila, 1983; Sydney/London, 1984; Stockholm, 1986; Jakarta (Kompas), 1987; Taipei, 1988; Kuala Lumpur, 1988; Copenhagen, 1989; Bonn, 1990; Tokyo, 1991; Seoul, 1993; Thailand, 2000; The Samsons, New York, 2000).
Sapat na, kung baga, ang obramaestrang sumasalungguhit sa tradisyong rebolusyonaryo ng mga Filipino at sumasaklaw sa 100 taon ng kasaysayan mula 1872-1972.
Kaso, hindi siya nagkasya sa limang nobela: Ermita (Manila: Solidaridad Publishing House, 1988; Kuala Lumpur, 1991); Gagamba (Manila: Solidaridad Publishing House, 1991; Berlin, 2014); Viajero (Manila: Solidaridad Publishing House, 1993; Paris, 1997; Italy, 2005); Sin (Manila: Solidaridad Publishing House, 1994; Sins, New York, 1996; Norway, 2011); Ben Singkol (Manila: Solidaridad Publishing House, 2001); Vibora! (Manila: Solidaridad Publishing House, 2007); Sherds (Manila: Solidaridad Publishing House, 2007) The Feet of Juan Bacnang (Manila: Solidaridad Publishing House, 2011; at dalawang nobeleta: Two Filipino Women (Quezon City: New Day Publishers, 1981; Bangkok, 1984) at Three Filipino Women (New York, 1992).
Wala pa nga rito ang kaniyang maiikling kuwento: The God Stealer and other stories (Quezon City: R.P. Garcia Publishing Co., 1968; Bratislava, 1983; Selected Works (Moscow, 1977); Waywaya, Eleven Filipino Short Stories (Hong Kong: Heineman, Asia, 1980; Manila, 1985); Platinum, Ten Filipino Stories (Manila: Solidaridad Publishing House, 1983); Olvidon and other short stories (Manila: Solidaridad Publishing House, 1988); Selected Short Stories (Paris, 1999); Short Stories (Manila: Solidaridad Publishing House, 2008) at Selected Stories (Manila: University of the Philippines Press, 2016).
Alam n’yo bang mayroon din siyang kuwentong pang-kabataan: Puppy Love and Thirteen Short Stories (Manila: Solidaridad Publishing House, 1998?
At kuwentong pambata: The Molave And The Orchid and other children’s stories (Manila: Solidaridad Publishing House, 2004)?
Mantakin mo, mula dula: Two Plays: Muse and Balikbayan (Manila: Solidaridad Publishing House, 2008) hanggang tula: Questions (Manila: Solidaridad Publishing House, 1988)?
Kukuwestiyunin mo pa ba ang kaniyang pagiging editor ng Equinox I: An Anthology of New English Writing (Manila, 1965); Asian P.E.N. Anthology I (Manila, 1966; New York, 1968) at A Filipino Agenda for the 21st Century (Manila, 1987) — samantalang mula pa noong kolehiyo naranasan na niyang maging patnugot sa The Varsitarian nang mag-aral siya sa College of Philosophy and Letters ng University of Santo Tomas noong 1946-1948?
Bago siya nagtrabaho mula Filipinas hanggang Hongkong at Sri Lanka.
Magpahanggang magtatag na nga siya ng Solidaridad Publishing House; Solidaridad Bookshop; Solidarity Magazine; Solidaridad Galleries; at Solidarity Foundation.
Solid, di ba?
Bilang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining noong 2007, siya ay dinakila namin sa pamamagitan ng Pagpupugay sa mga Pambansang Alagad ng Sining.
Dahil panukala natin ito — bilang miyembro ng National Committee on Literary Arts — limitado lamang ito sa mga manunulat.
Nang amin siyang dalhin sa Rosales, Pangasinan, wala man lamang nakakaalam kung sino ang nasa likod ng kung tawagin ay “The Rosales Saga.”
Ang siste, hindi lamang ito pinangyarihan ng kaniyang mga nobela.
Sinilangang-bayan niya ito.
Kilala niya ito pero hindi siya kilala nito.
At ito ang totoo.
Ganito rin ang karanasan namin sa iba pang Pambansang Alagad ng Sining na sina Virgilio Almario, Bienvenido Lumbera, Alejandro Roces, at Edith Tiempo.
Kaninong kasalanan ito? Sinong dapat sisihin? Kailangan pa bang magsumbatan?
Gahol na tayo.
Magugunaw na raw ang mundo.
Gamitin natin ang panahong darating sa paggawa ng tama.
Sa ganang akin, isa nga ang pagtatampok sa kaniya.
Daig pa tayo ng buong daigdig.
Isinalin na siya sa 28 iba’t ibang wika nito.
Atin nga siya.
Atin nga siyang naiintindihan.
Atin nga rin ba siyang binabasa?
Dapat bang dagdagan pa ang batas?
Walang iniwan, halimbawa, sa Rizal Law.
Bakit di kaya natin isama sa mga kurikula — ng lahat ng paaralang pampubliko’t pribado, kolehiyo, at unibersidad – ang talambuhay at mga akda ng bawat isang Pambansang Alagad na Sining?
Bakit nga ba hindi?
Sa kaso ni Manong Frankie, hindi lamang siya maaaring sipatin sa lapit na multidisiplinaryo kundi interdisiplinaryo rin.
Habang inaaral mo ang kaniyang panitikan, natututuhan mo rin ang metodo o makinaryang pangkasaysayan, pampolitika, panlipunan, at iba pang aspektong narating ng naratibo niya.
At sa pagsasaliksik sa kaniyang sining, masasaliksik mo rin ang kultura ng kaniyang pinanggalingan.
Kakatuwang ang katulad pa ng banyagang si Seth Mydans ng The New Times ang nakakasilip kung bakit siya nagsusungit:
“Asked at a celebration of his 90th birthday to share the secret of his longevity, he said: “Simple! The good die young.”
Kaya pala.
Kaya pala siya nagmamaldita, wika nga.
Ito marahil ay dahil sa kaniyang ibig.
Ibig pa niyang lumawig ang kaniyang buhay.
Ngunit…
May hanggahan ang lahat.
Para sa kaniya, hanggang 6 Enero 2022 lamang ito.
Sa edad na 97, napatunayan na niya nang todo-todo ang kaniyang sarili.