Pag-aanalisa sa 28 Nilalaman at Kasanayan sa Filipino ng MELCs Antas Elementarya


Kolum ni Pat V. Villafuerte

May mga dapat mapagtuunan ng pansin ang mga gurong nagtuturo ng Filipino sa antas
elementarya upang makatiyak sila sa mga dapat nilang maituro at matutuhan ng mga magaaral
sa wika at pagbasa mula Baitang 1 hanggang 6.

Sa panitikan ay madalas maulit sa iba’t ibang baitang ang pagtukoy sa
paksa, damdamin, kaisipan, elemento at mga bahagi ng maikling kuwento.

  1. Ang mga nilalaman at kasanayan sa Filipino na nakapaloob sa MELCs sa antas elementarya ay ang Wika at Pagbasa at sa Junior High School at Senior High School ay Wika at Panitikan.
  2. Sa Baitang 1, magsisimula ang pagtunghay sa mga kaalaman at kasanayang nakalahad sa Most Essential Learning Competencies sa ikalawang Quarter. Isinasaalang-alang sa Unang Quarter sa kahusayan sa paggamit ng pasalitang diskurso at paghahanda sa panimulang pagbasa.
  3. Kabilang sa mga genreng ipababasasa mga mag-aaral ay pabula, tula at tugma, alamat at kuwento.
  4. Sa kuwento, lilinangin ang sumusunod na mga kasanayan sa pagbasa: ang pagtatanong tungkol sa isang larawang kuwento na siyang unang pokus sa pagtuturo ng pagbasa.
  5. Sa pagtuturo ng napakinggang alamat, ipagagamit sa mga mag-aaral ang karanasan sa pag-unawa nito.
  6. Sa kuwento, pag-uukulan ng pansin ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang kuwento, ang pagsasalaysay ng orihinal na kuwento kaugnay ng napakinggan, ang paglalarawan ng damdamin ng tauhan sa kuwentong napakinggan, ang pagtukoy sa kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa nabasa / napakinggang kuwento.
  7. Sa tula, ang pokus ay ang paksa nito, ang pagtukoy sa mga salitang magkakatugma at ang pagtukoy sa kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan.
  8. Sa Baitang 2, ang mga genreng pagtutuunan ng pagkatuto sa pagbasa ay pabula, tula, tulang tugma, maikling kuwento, alamat at tekstong pang-impormasyon.
  9. Sa kuwento, lilinangin ang sumusunod na mga kasanayan: ang pagsabi ng mensahe ng paksa o tema ng kuwentong kathangisipan at tunay na pangyayari, ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggan /nabasang kuwento, ang paggamit ng personal na karanasan, ang pagbibigay ng sunod-sunod na pangyayari , ang paglalarawan ng mga elemento ng kuwento – tauhan, tagpuan, banghay at bahagi ng kuwento – panimula, kasukdulan, katapusan, at kalakasan; ang paglalarawan ng mga tauhan batay sa kilos, sinabi o pahayag, ang pagbibigay ng sariling ideya, reaksiyon, at damdamin tungkol sa napakinggang kuwento, ang pag-uugnay ng sariling karanasan tungkol sa napakinggang kuwento, at ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang teksto at kuwento.
  10. Sa tula, pokus ang pagkilala sa mga salitang magkakatugma at ang pagbasa ng mga salitang nababasa sa paligid.
  11. Sa Baitang 3, ang genreng pagtutuunan ng pansin ay kuwento.
  12. Lilinangin dito ang kasanayan sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa binasa, ang pagsagot sa mga tanong, ang paggamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng salita, ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, tauhan at banghay, ang pagsasalaysay muli ng kuwento, ang pagkilala sa wakas ng kuwento, ang pagtukoy sa dating kaalaman sa binasang kuwento, ang pagtukoy sa paksa at ang pagbuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento.
  13. Sa tula, bibigyang-tuon ang pagkilala sa salitang magkakatugma.
  14. Sa Baitang 4, ang mga genre ay anekdota, kuwento, tula, talaarawan, at tekstong iskrip.
  15. Sa kuwento, lilinangin ang sumusunod na mga kasanayan: ang pagtukoy sa dating kaalaman sa tagpuan, tauhan, banghay, ang pagkilala sa timeline at ang pagbibigay ng buod o lagom.
  16. Sa tula, lilinangin sa pagbasa nito ang wastong diin, ekspresyon at intonasyon.
  17. Sa Baitang 4, ang mga genreng nakapaloob dito ay maikling kuwento, tula, pelikula, tekstong script ng teleradyo, anekdota at talaarawan.
  18. Sa kuwento, lilinangin ang pagtukoy sa tatlong elemento ng maikling kuwento – tauhan, tagpuan at banghay; ang pagkukuwentong muli ng napakinggang kuwento, ang pagsusunodsunod ng kuwento, ang pagtukoy sa pahiwatig, ang pagtukoy sa bahagi ng kuwento – simula, kasukdulan at katapusan; ang pagbibigay ng sariling wakas ng napakinggang kuwento, ang pagsasabi ng damdamin ng tauhan, ang pagbibigay ng buod o lagom, at ang pagbibigay ng paksa ng kuwento.
  19. Sa napanood na pelikula ay ipatutukoy ang paksa nito.
  20. Sa tula, ang lilinanging mga kasanayan ay ang wastong bilis, diin, ekspresyon at intonasyon.
  21. Sa Baitang 5, ang mga genreng ipababasa sa mga mag-aaral ay maikling tula, talatang nagsasalaysay at talambuhay.
  22. Sa kuwento, ang lilinanging mga kasanayan ay ang pagbibigay ng paksang nakapaloob sa kuwento, ang pagpapahalaga sa lipunan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto at babasahing lokal at pambansa, ang pagpapahayag ng kaalaman, ideya at damdaming angkop sa edad ng mga mag-aaral at sa kulturang kinabibilangan ng pakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.
  23. Sa Baitang 6, ang mga genreng tatalakayin sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang nilalaman ng sanaysay, pabula, kuwento, tekstong pangimpormasyon at usapan, maikling pelikula, talaarawan, nobela, sanaysay, kathang-isip at di kathang-isip, radio bradcasting at tele-radyo.
  24. Sa kuwento, sasanayin ang mga mag-aaral na makapagsuri ng kaisipan, tema, tauhan at mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng pagbabalangkas at pamatnubay na tanong.
  25. Pagpapahalaga sa nakapaloob na kaisipan ang lilinangin sa panonood ng maikling pelikula.
  26. Kung susuriin ang mga kaalaman at kasanayang nakatala sa MELCs ay ganap na mapatutunayang may mga pag-uulit na naganap gaya ng nasa Baitang1 Quarter 3, Baitang 2 Quarter 1 at Baitang 3 Quarter 1: Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang alamat /teksto.
  27. Sa panitikan ay madalas maulit sa iba’t ibang baitang ang pagtukoy sa paksa, damdamin, kaisipan, elemento at mga bahagi ng maikling kuwento.
  28. Sa pag-alam sa kahulugan ng mga salita sa napakinggan at nabasang akdang pampanitikan o tekstong literari, nabanggit sa iba’t ibang baitang ang pagbibigay ng kasingkahulugan ng sitwasyong paggagamitan ng salita, pagbibigay ng pormal na depinisyon, pagkilala sa konotasyon, denotasyon at pahiwatig na nakapaloob sa teksto, at iba pa.