Ni Rodmill Lopez
Kapag naghahanap tayo ng white sand beach, ang unang pumapasok sa ating isip ay ang Boracay o ang El Nido sa Palawan. Ngunit alam ba ninyo na may tagong yaman sa Iloilo na katumbas sa mga nasabing lugar ang kagandahan?
Ito ang Sicogon Island, isang mala-paraisong tanawin sa Carles, Iloilo. Makikita rito ang malinis at napakagandang San Fernando Beach, malawak na kagubatan, at ang Lagoon Eco Trail na matatagpuan ang ilang mga ibong hindi makikita sa ibang mga lugar. Kung naghahanap kayo ng matutuluyan sa isla, maaari kayong magpalipas ng gabi sa Huni Resort, Hatch Hotel, o sa Balay Kugon.
Bukod sa pagpapahinga sa beach, maaari rin kayong mag-kayak, mag-paddleboard, o mag trekking sa bundok Opao. Puwede ring magisland hopping papunta sa mga kalapit na isla tulad ng Isla de Gigantes.
Tunay na kamangha-mangha ang Sicogon Island. Sa aking pagbisita rito, mas lalo kong pinahahalagahan ang magagandang tanawin ng ating bansa. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Isama na ito sa inyong bucket list para sa mga susunod na destinasyon sa inyong bakasyon.