Ni Wilson Fernandez
Mahalaga sa bawat mag-aaral na may laman ang tiyan kapag pumapasok sa paaralan. Apektado ang pagkatuto ng mga bata kapag gutom. Nawawalan ng atensiyon sa klase o sa mga aralin na tinatalakay. Ang mga ganitong suliranin ang kinaharap ng isang guro. Kaya naman nag-isip siya ng sariling paraan, sa abot ng kanyang makakaya, upang matugunan ang problemang ito.
Kilalanin natin ang creative, unique, at cool teacher mula sa Misamis Occidental na si Teacher Jeric Maribao na may libreng paalmusal araw-araw sa kanyang mga mag-aaral. Sa katangi-tangi niyang pamamaraang ito, busog na ang tiyan ng kanyang mga mag-aaral, busog pa sa karunungan.
1. Pangalan, edad, saan nagtapos ng pagaaral, saan lumaki?
Jeric Maribao, 29 taong gulang, Western Mindanao State University-Molave, Zamboanga del Sur.
2. Kailan at paano mo naisip na pakainin ng libreng almusal ang iyong mag-aaral?
Sinimulan ko ang gawaing ito pagkatapos ng pandemya. Napansin ko kasi, karamihan sa aking mga mag-aaral ay demotivated nang pumasok sapaaralan. Kaya nagkusa ako ng libreng almusalpara mahikayat silang pumasok sa paaralan araw-araw. Sa ganoong paraan, mababawasan ang pagliban. At dahil wala akong pondo, humihiram ako ng pera sa bangko.
3. Ano ang naging inspirasyon mo upang maisakatuparan ang iyong adbokasiya?
Naging inspirasyon ko ang mga estudyanteng pumapasok sa eskuwela nang walang laman ang tiyan. Kapag papasok silang walang laman ang tiyan, wala ring silbi ang aking performance bilang isang guro. Kaya ang pagbibigay ng pagkain araw-araw ay nakatutulong upang maging epektibo ang aking pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
4. Ano sa palagay mo ang pinakamahirap na hamon na iyong naranasan sa adbokasiyang ito at paano mo ito nalampasan?
Ang isa sa hamong kinaharap ko ay gusto kong may matutuhan sila ngunit isinaalang-alangko rin ang katayuan ng kanilang buhay. Bilang guro, mahirap itong i-manage dahil ang tungkulin lang sana ng guro ay turuan sila para matuto. Ngunit paano naman sila matututo kung wala silang ganang makinig dahil kumakalam ang kanilang sikmura. Kaya ang nakita kong solusyon dito ay bigyan sila ng libreng pakain.
5. Paano mo mailalarawan ang proseso ngiyong pagtuturo?
Creative and unique. Ang aking talento sapag-awit ay isang epektibong instrumento upang makuha ang atensiyon ng mga mag-aaral at magudyok sa kanila na matuto.
6. Ano pa ang nais mong gawin o maratingbilang guro?
Plano kong ipagpatuloy ang aking adbokasiya anuman ang mangyari, sa awa ng Diyos. Inaasahan kong lumikha ng higit pang mga inobasyon sa pagtuturo.
7. Ano ang pinakamaipagmamalaki o ‘dimalilimutang kaganapan sa iyong pagtuturo?Ipinagmamalaki kong naitampok ako sa halos lahat ng mga TV station sa bansa. Dalawang beses din akong kinilala ng DepEd Philippines.
8. Ano ang maipapayo mo sa mga nagnanais na maging guro?
Lumabas sila sa kanilang comfort zone. Maging teachable at bukas ang isipan para sa mga posibilidad ng pagbabago. Go for higher studies at palaging maging propesyunal. Higit sa lahat, humingi ng gabay at karunungan sa Diyos.
9. Ano ang iyong hiling para sa laranganng edukasyon sa Pilipinas?
Ang hiling ko ay unahin ng gobyerno lalona ng DepEd ang pagsasanay sa mga guro, pasilidad ng mga paaralan, at sapat na resources para sa teaching and learning. Kung walang mahusay na pagsasanay sa mga guro, mabibigo ang kalidad ng edukasyon.
10. Maaari mo bang sabihin ang tungkol sa isang kasalukuyan o pinaplano mong proyekto? Paano ka lalapitan/susulatan ng mga tao? (e.g. social media accounts)
Sana ay makapag-implement ako ng livelihood program para sa mga magulang ng aking mga mag-aaral. Hindi lamang susuportahan emotionally ng mga magulang ang kanilang mga anak, kundi financially sa pamamagitan ng pondong makukuha nila sa programa. Facebook page – Jerics Channel.