TUWING BUKANG-LIWAYWAY SA BAYSIDE NG LAGUNA DE BAY
Share
Mga abalang mangingisda sa Bayside ng Laguna de Bay na matatagpuan sa Brgy. Gatid, Sta. Cruz, Laguna.
Ni TIMOTHY CORTEZ IGNACIO
Upang mas mabilis at makarami ng huli ng isda, karaniwang madaling-araw sinisimulan ang pangingisda sapagkat aktibo ang mga isda sa umaga dahil naghahanap ng makakain.
Mga fish cage sa Bangka.
Isdang big head ang kadalasang nahuhuli sa Bayside sa Laguna de Bay.
Sa pagbubukang-liwayway, nagtutungo ang mga lokal sa Bayside upang bumili ng mga sariwang huling isda.
Pamimili ng mga lokal ng mga huling isda upang maibenta sa talipapa.