‘UNDER THE BROAD UMBRELLA’

Larawang kuha ni Eugene Cubillo

Ni EUGENE CUBILLO

Ating gunitain ang year-ender exhibition na “Under the Broad Umbrella” series 2024. Ang taunang group exhibition ay naisakatuparan sa suporta Aida de la Peña ng Kaida Contemporary Gallery na matatagpuan sa Scout Madriñan St., South Triangle, Quezon City. Nagtampok ito ng mga likha ng halos 100 artist gamit ang iba’t ibang medium, tema, istilo at pananaw, mula sa masalimuot na makatotohanang mga gawa hanggang sa mga abstract na piyesa.

Mapapansin mo ang mga pamilyar na gawa ng mga batikang artist at mga bagong usbong na alagad ng sining. Mula sa kulay at pagkakaiba-iba nito pati na rin sa pagkaka-display at pagka-layout ng mga piyesa sa gallery, nakapaghihikayat ito sa mga manonood at kapwa artista na tuklasin ang walang hangganang potensiyal ng artistikong pagpapahayag. Isa itong masayang pagdiriwang at testamento sa malikhaing pulso na nagbubuklod at nagbibigay kahulugan sa kontemporaneong sining sa Pilipinas.

Tampok dito ang gawa ng mga visual artist na sina Pancho Alvarez, Alychon, PJ Andayran, Jed Aralca, Marc Arcamo, Mary Bob Arce, Jonas Arlegui, Nicole Asares, Mikko Baladjay, Jessa Balag, Jet Bernal, Lawrence Borsoto, Pin Calacal, Isagani Calio, Demosthenes Campos, Kiko Capile, Ram Castillo, Arth Chavez, Chrixx, Kendall Colindon, Danie Colita, Herald Corpus, Jho Corpus, Jobert Cruz, Eugene Cubillo, Melvin Culaba, Rene Cuvos, Rhex Dacaymat, Rackz Dalangpan, Raphael David, Cian Dayrit, Jericho De Leon, Mac Delos Reyes, Nika Dizon, Eugene Dominguez, Mac Epawra, Beng Espiritu, Noell El Farol, Babylyn Fajilagutan, Dex Fernandez, Patrick Fernandez, Kim Gaceja, Gean Brix Garcia, Paola Germar, Ikang Gonzales, Lui Gonzales, Marte Goyon, William Gaudinez, Mervin Guirhem, Veronica Ibarreta, Jaysonborts, Jonathan Joven, Natasha Juliano, Kevin Jumadiao, Ange Labyrinth, Cydric Lagunilla, Lanzvoltaire, Genavee Lazaro, Veronica Lazo, Potti Lesaguis, Kim Lim, Jayme Lucas, Lyndon Maglalang, Raymon Maliwat, Clark Manalo, Ronante Maratas, Sarsalem Meleksyu, Buhay Mendoza, Chad Montero, Nic Navarro, Clark Neola, Julieanne Ng, Odang, Gemart Ortega, Kaye Oyek, Anthony Palomo, Sam Penaso, Riane Prim, Pushpin, Ikea Rizalon, Charles Rosal, Kirby Roxas, Art Ruiz, Jose Tence Ruiz, Geremy Samala, Elijah Santiago, Jeje Santos, Oddin Sena, Tintin Sena, Kirk Tabanera, Angelo Tabije, Carlo Tailon, Andrew Tan, Janelle Tang, Abril Valdemoro, David Ryan Viray, Christopher Yap, at Pablo Zingapan.

Sa eksibisyong ito, matutuklasan mo ang mga kuwentong nais iparating ng mga artist, maaaring personal na komentaryo, isang sandali mula sa kasaysayan, o isang komento sa isang bagay na nangyayari sa ating mundo ngayon. Nakapagbibigay din ito ng bagong paraan ng pagtingin sa sining at sa mundong ating ginagalawan.

Ipinagdiriwang ng Kaida Contemporary ang dynamic na komunidad ng sining sa Under the Broad Umbrella at ipinapaalala sa atin na, tulad ng isang payong na kumukupkop sa atin mula sa kawalan ng katiyakan sa buhay, ang sining ay palaging nag-aalok ng isang lugar upang magtipon, magmuni-muni, at kumonekta. At sa ilalim ng malawak na canopy na ito ng pagkamalikhain, palaging may isang bagay na susukob para sa lahat.