Sa Studio ng Isang Pintor

Ni Eugenio E. Cubillo III

ISIPIN mo na sa iyong paggising ay maririnig mo agad ang kaskas at pagguhit ng lapis, pagpatak at pagpahid ng mga pintura sa sahig at kambas. Amoy mo ang pinturang oleo, linseed oil at patinarin ang mga natuyong pintura at varnish. Dinig mo ang tunog at buga ng airbrush, pati na rin ang mga pag-stapler. Bubungad sa iyo ang mga naglalakihang bastidor, mga gupit na kambas, lata ng pintura at samu’t saring paint brush.

Eugene Cubillo sa kanyang studio, sa Indang, Cavite.
Mga palette knife, iba’tibanghugis at sukat ng samu’tsaringpinsel ang nakahanda para ipahid.
Pinagsama-samang paraan at found objects na mga obra.

Ilan lang iyan sa araw-araw na aking nakikita sa aming tahanan na kung saan ay studio rin ng aking ama na si Eugene Cubillo, isang alagad ng sining biswal sa pagpinta. Bukod sa traditional medium, madalas ay pinagsama-samang paraan ang kanyang mga obra. Bukod sa kambas at papel, gumagamit din siya ng yero, bakal, baraha, aluminium, kahoy, pako, at iba pang mga found objects.

Detalye ng isasamgaginagawangobra, ‘Thankful I’m Alive’ oleo sakambas.
Sandatangpinselnahandangsumagupasa pintura.

Dito ko nasilayan na ang studio ay ang buong kapaligiran kung saan pinalalago niya ang kanyang pagkamalikhain, dito rin ginagawa at nabubuo ang mga likha at obra ng aking ama, kasama sa kapaligirang ito ang aming tahanan, hardin, garahe at lahat ng lugar kung saan nagtitipon at nakikipag-ugnayan ang aming pamilya at mga kaibigan.

Para sa mga visual artist, lahat ng ito ay magkakasama sa studio, ang lugar na nabubuo ang isang kaisipan at nagdudulot ng kislap ng inspirasyon. Para sa karamihan ng mga artista, ang studio ay isang sagradong lugar kung saan ka nagmumuni-muni at nag-iisip, higit sa isang silid na nakalaan para sa trabaho, isa rin itong tahanan na kung saan ipinapanganak ang kanilang mga likhang sining.