Tridax: Anim na Tula ni Gerald Castillo Galindez

Tridax

Bulaklak ng kanal

Sa gilid ng daan

Ginasalubong niyo ako palagi

Pag-uwi ko galing eskwelahan

Hindi ko kaya hindi magtingin
Hindi ko alam
Bakit kaganda-ganda niyo tignan
Hindi ko alam

Kung paano niyo ginasunod ang Araw araw-araw
Kung paano niyo ginasipsip ang sustansiya
ng mga nabungkag at napisat na katawan sa daanan
ng mga nalunod at nagalutang na may naga kamang na parang kanin
Hindi ko alam

Kung paano niyo ginatiis ang init ng semento
Kay ang Tacurong pag walang ulan parang disyerto
hindi ko alam
Kaninong kamay ang nagtugsok sa inyo
sa kada krak ng pedestrian
sa kada krak ng utak ko

O, Bulaklak ng kanal!
Korona ng mga manananggal
Peste ng mga banal
Rosas ng mga hangal
Ang shagit ni Shelley Duval
Ang bugal ng mga gikoral!

O, Bulaklak ng kanal!
Les Fleurs Du Mal!

Ginapaganda mo lahat ng pangit
Kung impyerno ang aspalto
Ikaw ang higaan na langit

Guhit ni Eli San Miguel

Trench Lights

Gitawag ng mga ilaw ang mga isda sa ilalim ng dagat
Kagandang mga ilaw! Kagandang mga ilaw!
gipawaragwag nila

“Dali na kayo, kaganda masyado, ang mga ilaw, ang mga ilaw!”

Naglinya ang mga isda para makita ang mga ilaw
Parang ngayon lang sila nakakita ng mga ganon
Kagandang mga ilaw! Kagandang mga ilaw!

At napuno ng mga isda ang ilalim ng dagat
May matatanda at mga batang isda
Nalingaw sila sa ganda ng mga ilaw
gisabi nila
Kagandang mga ilaw!
Kagandang mga ilaw!

Hanggang sa bigla nagkurap-kurap,
Nagkurog-kurog ang mga ilaw!
gisabayan ng mga hiyaw at sigaw

          ng mga isda 

                            Habang dahan-dahan namatay ang mga ilaw
                            Dahan-dahan din namatay ang mga sigaw

Gisulat sa Gilid ng Bangin

Sa totoo lang –
Gusto ko maging aswang,
Maglipad-lipad sa mga bundok –
Sa ulap maglutang-lutang
Sa malalalim na bangin ako magtingin-tingin –
Tikman ang lamig na hamog at hangin

Gusto ko pag gabi walang bituin
Yung naga taligsik, yung grabe katahimik
sa maitim na ulap-
Ako mag ikot-ikot, mag laag-laag-
tignan kung paano ginabuo ang kidlat.

Pag ako naging aswang –
Hindi na ako magutom, madaming pagkain,
Wala ng problema na ginaisip –
madaming kasama, mainit, masaya,
nagakanta-kanta, nagatula-tula sa usok at apoy
naglakad-lakad sa ulap,
nagatawa-tawa, parang walang mga problema.

Gusto ko maging aswang,
Kadami kong magawa, makabasa ng isip,
Mawala sa hangin, maging usok, maging hayop,
Maging tatak sa mga bata ng baryo,
Hindi na magtanda – laging makinis ang mukha.

Gusto ko na maging aswang,
Ngayon na! Hindi na ako makahintay.
Gusto ko na makakain ng atay
Nagagana na ang bato, nagapula na ang mata ko
Maging aswang na ako!
Magtalon ako sa bangin ngayon
Walang makaalam,
Walang makahanap ng aking katawan,
Mawasak, madirder –
Sipsipin ng lupa ang dugo.

Ang Yawyaw ng Sigbin

Wag mo ubusin yang mangga!
Paano na lang yong mga ibon bi!
Anong kainin nila?

Wag mo ubusin yang mangga
Magtira ka sa mga iras/sambrid/higad –
Kailangan nila ng tamis pag naglipad

Wag mo ubusin yang mangga –
Magtira ka sa mga kabog (kung nandyan pa sila)
Wag mo rin silang gawing pulutan ah!

Wag mo ubusin yang mangga –
Ibigay mo na yan sa mga insekto
Pag nahulog
Pabulukin mo
Ipakain sa lupa
At mga langgam

Wag mo ubusin –
Baba ka na dyan
Gutom na din ako.


Gourami

Lasang baka
Ang gipritong Gourami ni mama
Ang buntot na grabe ka-krispi
Lasang krispi pata
Kahit wala nang Krispi Pata!

Ang bugi niya – bulawan
Ginapag-agawan
Isaw-saw mo baya sa sinamakan
Ang langit sa bunganga mo magsabog

Lasang baka
Ang gipritong Gourami ni mama
Kahit ito lang sa umaga
Tanghali
Gabi
Hindi ako magsawa
Ang buntot na grabe ka-krispi
Lasang krispi pata
Kahit wala nang Krispi Pata
Kahit wala nang Krispi Pata
Kahit wala nang Krispi Pata!

Hegalong Player Face Melter Extravaganza

Naga-jamming, naga-lutang sa makapal na usok ang mga naga-hegalong.
Naga-headbang sa pagpasok ng malutong at malakas na bagsakan –
Nagsimula ang isang matinding 64 bar solo ni Boi Luming –
Parang kurinti na pula sa ka-grabe! Nagising lahat! Buhay o patay!
Lahat naga slamdance sa moshpit –
Naging sentro ng mundo ang Lake Sebu.

Si MJ at Janis naga-lambada,
Kasama si Amy at Frank Zappa,
Grabe ka-buang ni Antonio Vivaldi,
Nag-stage dive siya sa mga T’boli
Si Freddie at Whitney nag slamdance na rin,
Kasama ang drummer ng Led Zeppelin
Nagsayaw-sayaw, Nag Talon-talon,
ang Tropa ni Elvis at Jim Morrison:
Si Mozart at Marley at Levi Celerio,
si Lenon at Bowie at Rico J. Puno
Nag train-train sila yung parang sa Disco,
ga-lusot-lusot sa katawan ng mga tribu
Grabe ka-lingaw, lahat nagasayaw, pati mga insekto –
Bilog ang buwan –
sa taas ng ulo
Naga-singaw ang saya, Naga-sigaw ang saya.
Makapa-tunaw ng mukha.
nagasabog ang tuwa.
Nagapasok sa lahat ang alingaw-ngaw
Nagapasok sa lahat –
Makapa-high ang usok na galing sa mga nagabagang daliri.


Si Gerald Castillo Galindez (kilala rin sa sagisag-pangalan niya bilang Candle Lizard Egg) ay makata at guro mulang Tacurong City, Sultan Kudarat sa Mindanao. Sumusulat siya gamit ang Tacurong-Kabacan Tagalog, isang uri ng Tagalog na lingua franca sa SOCCSKSARGEN Region na gumagamit ng mga salitang Binisaya, Hiligaynon at Tagalog. Ang Klaro na Masyado: Poems in Tacurong and Kabacan Tagalog (Kasingkasing Press, 2020) ang unang koleksiyon ng kaniyang mga tula. Mayroon din siyang spoken word EP na pinamagatang From Kabacan-Buluan-Tacurong, With Love (Bigkas Pilipinas Records, 2021).