Kung Kinuha na ang Lahat sa Atin

“Iyon ba ang halaga ng pagkababae ko sa tingin ni Amyra?”

ni Efren Abueg

Bilang dating kababatang umiibig kay Ming, papaano haharapin ito ni Edel ngayong Ano naman ang halaga ng pagkababae ni Ming sa tingin nito sa sarili?

(IKA-22 NA LABAS)

CASH! Gaanong halaga ang idaragdag ni Amyra sa buwan-buwang dalawampung libong pisong allowance ni Ming? Iyon ba ang sinasabi sa dokumento na iniwan umano ni Dino sa kapatid? Nabasa kaya iyon ni Ming bago o pagkaraang yumao si Dino?

“Na-monitor mo na kung may inaplayang bagong trabaho si Romina?” usisa ni Amyra na sumulyap sa kaniya.

Hindi gumanti ng sulyap si Edel, ngunit nakita niya sa sulok ng kaniyang mga mata na desidido si Amyra na subaybayan kung ano ang mga ikinikilos ni Ming.

“Nagluluksa pa siya, Amyra. Kay Architect Planas ko lang malalaman ang nangyayari sa kaniya?” katwiran ni Edel.

“Nagkita na kayo ni Koko?”

Umiling si Edel at inasikaso na ang maraming papeles ng negosyo nila ni Amyra na nakatambak sa kaniyang mesa.

Naisip ni Edel na kailangang makausap niya si Ming. Ngunit ano ang magiging reaksiyon ni Amyra kung malaman nitong nagtagpo sila ni Ming?

Nakiramdam na lamang si Edel.

Reorganization of all companies/ corporations in this building requires a review for several weeks. Additional people need to come in. Because we will be busy in the future, you will neglect your other jobs with Chito and other lawyers there. We will start to talk about it tonight in my place?”

Gaya ng dati, nararamdaman ni Edel na dinidiktahan siya ni Amyra. Alam niyang ikinikintal nito sa isip niya na dumarami ang trabaho sa gusaling iyon at kailangang talikuran na niya sina Chito.

“Maybe you can give me a week or so before I can talk to Chito, Torre Jr. and other lawyers in our law offices!” 

Nasulyapan ni Edel na napakunot-noo si Amyra nang iyon ang kaniyang isinagot. Tumingin ito sa gawi niya. “You won’t say that we will not talk in my place tonight?”

Hindi siya nakakibo. Inuulit lamang ni Amyra ang sinabi nito pagkaraang magsimula ang pagluluksa kay Dino. Lagi silang gagabihin sa condominium ni Amyra. 

Ngunit laging sumisingit sa isip ni Edel si Ming. Hindi man niya ito nakikita pagkaraang mailibing si Dino, parang eksena sa pelikula na pabalik-balik ito sa isip niya. Alam niyang lagi ngayong nag-iisa si Ming at kailangan nito ang kausap. Aasahan ba niyang aabalahin lagi ng kaniyang kababata si Atty. Koko Planas na naging confidante nito pagkaraang yumao na si Dino?

“Narinig mo’ng sinasabi ko sa iyo?” Narinig na lamang niyang inuuntag siya Amyra.

Alam ni Edel na maghahapunan sila sa isang restawran, saka magkasamang titigil sa condominium ni Amyra sa gabing iyon! Doon ba siya matutulog at bukas na ng umaga uuwi siya para magpalit ng damit sa kaniyang boarding house?

“Oo naman, Amyra,” sagot agad ni Edel. “Shall I bring some papers that we will read in your place?”

“Do you think I am not doing my assignment every night now that Dino is gone? Suwerte ako’t madalas kitang nakakasama sa condominium sa mga oras that some papers need the attention of two people?”

Ngumiti lamang si Edel. Naisip niyang makabubuting sinasamahan niya si Amyra sa condo nito dahil insidental na “maisisingit” niyang pag-usapan nila ang kalagayan ni Ming bilang bahagi ng business proposals!

“Oo,” naiisip ni Edel. “How can Amyra not resolve the problems about Ming in so many of our discussions!”

Naghapunan nga sina Edel at Amyra sa isang paborito nilang restawran sa isang otel, saka sila nagpahinga saglit sa pakikinig ng ilang musicals na ginawa sa Vienna bago nila tinalakay ang mga naiwang problema ni Dino at ilang business proposals ng mga ipinasok na ilang “tao” ni Atty. Planas sa negosyo ng Sobresantos.

It is good that with me alone handling what Dino should have done, I am still surviving,” ani Amyra na sumiksik sa kaniya sa sopa. “It is because of you as my inspiration because I always anticipate that soon we are getting married.”

Tumingin si Edel kay Amyra. Parang ulilang mutyang pusa na sumiksik ang dalaga sa kaniya at hinaplos ang isa niyang bisig. Tumingin siya sa mukha nito na parang humihingi ng saklolo.

Alam ni Edel na darating ang panahong magbabagang-luksa rin si Ming. Darating ang pagkakataong sinasabi sa kaniya ngayon ni Amyra. At hindi na niya iyon maiiwasan.

“Siguro, with you and the new people who were brought in by Koko Planas, Dino’s businesses and all my investments and those of my friends will be taken care of.  You are always by my side, Edel and what more can I do but lean on you to take care of me?”

Ngumiti lamang si Edel at hinaplos ang mukha ni Amyra. Tumindig ito, hinintay saglit na matapos ang musika sa component, saka kinuha ang mga papeles na uwi nito mula sa opisina. Kinawit ang isang bisig ni Edel at humantong sila sa dating working room sa condominium na iyon. Walang kibuang idinaan nila sa pagsusuri ang ilang papeles, nagtalo sila sa ilang punto, saka iniwan ni Amyra si Edel na sinusuri ang isang bahagi ng business deal na isinumite sa kanila ni Atty. Planas.

Nasisiyahan si Edel sa dalawang talatang pagsusuma ni Atty. Planas sa isang dokumento nang marinig niya ang tawag ni Amyra.

“Tingnan mo nga ang mga binili ko sa kabilang room, Edel!” narinig niyang tawag ni Amyra mula sa bathroom.

“Maayos naman ang summation ni Atty. Planas sa particular document na ito. Siguro, I have to go after I put this in its particular folder,” sagot niya kay Amyra.

No! You have to see what I have ordered from the VIP section of a department store yesterday!”  pasigaw na sagot ni Amyra.

Narinig ni Edel ang ragasa ng tubig mula sa isang dutsa. Naisip niyang naliligo na si Amyra.

Pumasok si Edel sa kabilang kuwarto. Namangha siya sa nakitang mga nakasabit sa labas ng isang dresser. Tatlong pares ng padyama at mga panloob na iba-iba ang kulay.

“Don’t say that you are not joining me here in the bathroom?” narinig pa niyang sabi nito.

Hindi na miminsang niyakag siya ni Amyra sa loob ng bathroom. Sa una, naghunos siya ng kaniyang mga suot at lumangkap siya sa paliligo nito. Nakita niya ang kabuuan ng babae na lantad na lantad sa kaniya noon di tulad noong una silang magtalik na kailangang hubaran pa niya ito ng suot na nighties sa malaking kama nito. Kailangan din niya isuot ang spare na padyama nito na inihanda nito para sa kaniya.

Muling sinulyapan ni Edel ang mga pares ng damit sa dresser sa kuwarto. Saka hinubad niya ang lahat ng kaniyang suot. Humihimig si Amyra nang pumasok siya sa bathroom na pinaglulunuyan nito ng tubig. Tumingin si Amyra sa mukha niya, saka patawang binatak siya sa ilalim ng mga pilansik ng shower. 

“Nagustuhan mo’ng inorder ko?” mahinang tanong ni Amyra.

“Sumawa ka nang ipasuot ang mga pinaglumaan mo?”

“Those are mine…unused and waiting for someone who happened to be you!” Nagtatawa si Amyra.

Niyakap ni Amyra si Edel at sa mga tilamsik ng tubig sa shower, naging isang anino ang kanilang mga katawan kung dadalhin sa dilim!

SA isang matalik na kaibigan ang pagpatong ng isang bisig ni Chito sa kaliwang balikat ni Edel. Patungo sila sa nakabukas na kuwarto ni Torre, Jr.

“Magaling na! Hindi naglipat-linggo at pumasok na rin siya!” ani Chito.

A real lawyer. Minsan o makalawa lang nawala si Torre, Jr. mula nang maging regular ako sa ating law offices!” nawika ni Edel.

Well, what can we say about him? He, together with us will be the sole owners of these law offices once our sponsors are gone. That explains his dedication to all cases that are consulted with us!”

Nakaramdam si Edel na pinariringgan siya ni Chito.

I not leaving Torre, Jr. and you!” sabi naman ni Edel.

Your words against Amyra…” puna ni Chito.

Noong isang gabi pa naisip ni Edel ang kaniyang ipapasiya. Kasama na siya ni Chito ilang linggo mula nang itatag ang law offices. Paano niya iiwan ito?

Remember, Edel! You will be married to Amyra soon. How many more months are her preparations!”

Naisip ni Edel na kailangang magtuos na sila ni Amyra! Noong isang gabi, sinabi na niya rito ang kaso ni Ming.

“She is not working, Amyra!” pagbabalita niyamtungkol kay Ming.

Did you talk to her?” May lahid ng panibugho ang sagot ni Amyra.

No! I am just bothered…hindi mo pa ginagamit ang iyong option!

 “Magugutom ba siya? Wala siyang kargo…nag-iisa siya!”

Inisa-isa ni Edel ang obligasyon ni Ming: ang boarding house, ang kinakain nito araw-araw, ang iba pang pangangailangan!

“Bakit you are bothered?” Pagbalewala ni Amyra sa kalagayan ni Ming. “Why can’t she work?”

She was the wife of a very wealthy man…a successful businessman. Ano ang sasabihin ng mga kakilala tungkol sa kaniya? Napakasal siya nang wala namang pre-nuptial agreement. Nakikita ko ang kumplikasyon!”

Natigilan si Amyra. Iniisip ni Edel ang iniisip ngayon ni Ming: magdemanda!

“Umiiwas lamang ako sa isa pang sakit ng ulo! All the adjustments we are doing for the businesses left by Dino are already big burden for us!”

Nag-isip si Amyra. 

Don’t you think you argue with me about Romina because she was your friend in the past?”

I am talking about business. My personal relations with Romina are not a problem to me but to you!”

Natigilan si Amyra.

“And that of Chito and those of your politicians-sponsor in your law offices?”

Naisip ni Edel na ibig lutasin ni Amyra ang mga problema nito sa isang desisyon lamang.

Complicated ang business at ang lahat ng bagay na kaugnay nito, Amyra. You have to think because you are the owner of all Sobresantos enterprises. I am not married to you yet and legally I am out of all these complications.”

I got your points with Romina and I will soon resolve them. What gets my goat is your legal ties with Chito and that of Torre, Jr!”

They are my friends, Amyra. Negotiation is the only solution to my problems with them!”

“Okey, Edel. Deal with them your own way. You know I have to talk to a lot of people. They are your balls to throw in an Olympic game!”

Bigla, nakahinga nang maluwag si Edel. Gumigitgit sa isip niya si Ming at sina Chito at Torre, Jr.

MANGHA si Ming nang marinig ang kaniyang boses.

“Paano si Amyra?” tanong agad nito.

“Bakit siya ang inuusisa mo? Ako ang kausap mo!”

Napigil ng sagot niya ang iba pang ibig sabihin ni Ming. Naisip nitong desisyon niya ang sasabihin niya rito.

Sorry, Edel. Tangay lang ako ng hinanakit ko sa iyo!”

“Nagkamali ako, inaamin ko. Pero hindi ko gusto ang mga nangyari sa buhay ko. Biktima lang ako na tulad mo!”

“Totoo nga, Edel! Who would think that I became a trophy wife in the past? Naka-display lang, ipinangangalandakan, nilalaro!”

Masakit kay Edel ang bahid na mga imahe ni Ming sa piling ni Dino. Kahit halos isang taon lamang na naging trophy wife si Ming, inisip ni Edel na malaking kasiraan iyon kay Ming. Walang naganap na pagkakasala sa laman si Ming sa piling ni Dino. Nasira na ang pagkalalaki ni Dino bunga ng pagmamalabis nito sa maraming babae. Ngunit ang iparada si Ming, ang bansagang isang bagay na pag-aari ni Dino– napakasakit iyon para kay Edel. Inagaw sa kaniya si Ming at isinasauli sa kaniya pagkaraang maging kasangkapan ito ng karangyaan ng isang lalaki. a

Ngayon, ibig ni Edel na makaharap si Ming. Sa huling pagkakataon, bago matali ang buhay niya kay Amyra, makagawa man lamang siya ng kabutihan kay Ming nang hindi na nito malilimutan sa buhay nito.

“Ibig kong magkausap tayo…doon din sa lugar na iyon!” ani Edel.

“Siguro nga, Edel…bago tayo tuluyang magkalayo!”

Kung gayon, nakahanda na si Ming na tanggaping makakasal siya kay Amyra. Hindi na nito naiisip ang magiging takbo ng buhay nito sa kinabukasan sa piling niya.

“Doon na rin sa restawrang iyon, Ming…hihintayin kita!”

Ngayon, magkaharap sila sa pangmayamang restawrang huling dinala niya ang kababata sa may dulo ng United Nations. Parang galit ngayong nagsasalita si Ming, samantalang parang nagulat naman si Edel sa inusal ng kausap. Iilan lamang ang mga parokyano sa restawrang iyon nang gabing iyon at nasa isang sulok silang dalawa.

“Pag-usapan natin ang halagang ibibigay sa iyo ni Amyra sa pagkikita ninyo sa hinaharap!”

Kinalkula ni Edel ang halagang dapat tanggapin ni Ming.

“Bakit, Edel? Iyon ba ang halaga ng pagkababae ko sa tingin ni Amyra?”

(ITUTULOY)