Ang Kolaboratibong Pagtuturo at Pagkatuto ng Filipino

Kolum ni Pat V. Villafuerte

Ang isang epektibong pagdulog sa pagtuturo ng Filipino ay ang prosesong kolaboratibo. Napakahalaga nito dahil sa prosesong ito ay nagiging prayoridad ng mga paaralan ang paglinang sa mga mag-aaral ng kritikal na pag-iisip bilang pinakamataas na proseso ng pagkatuto ng wika at panitikan. Dahil dito’y patuloy na nalilinang ang produktibong mga kasanayan at kakayahang komunikatibo na umaagapay sa mga mag-aaral tungo sa mabilis na pagbabago ng kapaligiran, banta ng teknolohiya, rebolusyong intelektuwal, interdependent na ekonomiya at pagsulong ng globalisasyon.

Matapos mairestruktura ang kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon sa bisa ng K-12 kurikulum at sa pamamagitan ng pagpapatupad sa paggamit ng Most Essential Learning Competencies (MELCs) na inihanda ng mga edukador at eksperto sa pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon, matagumpay na nasunod ang paglinang ng mga makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, panonood, pagbasa at pagsulat. Dahil dito’y napagyayaman ang mga napapanahong komunikatibong gawaing pangwika at pampanitikan. Naisasabay pa rito ang patuloy na pagsasaliksik, pagsusuri at paglikha ng mga bagong konsepto na nagpapataas sa motibasyon ng mga mag-aaral upang maging epektibo at makabuluhan ang kanilang pagkatuto.

Nagkaisa ang mga dalubhasang edukador na ang kolaboratibong pagkatuto ay isang pamamaraang instruksiyonal na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang lebel ng kanilang pag-aaral ay nagtutulungan sa kani-kanilang kinabibilangang pangkat…

Ayon sa isang artikulo ni Royo (2006), sinabi niyang kailangan ang kolaboratibong pamamaraan sa pagtuturo ng Filipino upang maihanda ang mga mag-aaral sa matalino at demokratikong paglahok sa lipunan – may kakayahang makipag-interaksiyon, makabuo ng kolaboratibong pagpapasya at makipagtulungan para sa kapakanan ng nakararami. Dahil sa positibong epektibo ng kolaboratibong pagkatuto sa akademikong pag-unlad at ugnayang sosyal ng mga mag-aaral, maraming mananaliksik at edukador ang nagmumungkahi na gamitin sa pamamaraang ito sa mga silid-aralan, partikular sa klasrum pangwika. Nagkaisa ang mga dalubhasang edukador na ang kolaboratibong pagkatuto ay isang pamamaraang instruksiyonal na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang lebel ng kanilang pag-aaral ay nagtutulungan sa kani-kanilang kinabibilangang maliit na pangkat upang matamo ang isang layunin o hangarin.

Nangangahulugan ito na ang tagumpay ng isang mag-aaral ay nakasalalay sa kinabibilangan niyang pangkat.

Isang prosesong transaksiyonal na may bukas na pagpapalitan ng mga ideya ang mga mag-aaral sa kanilang kapwa mag-aaral at mag-aaral sa kanilang guro na nagsisilbing tagapamagitan (Davis at Donelly, 1999).

Ang mga simulain sa kolaboratibong pagkatuto

Ayon pa kay Royo, sa pag-aaral ni Galbaraith (1991), binanggit nina Davis at Donnelly ang anim na simulaing gumagabay sa proseso ng kolaboratibong pagkatuto:

Ang kolaboratibong pagtuturo ay isang pilosopikong oryentasyon na tinitingnan ang mga mag-aaral bilang katuwang o partner na may parehong responsibilidad sa proseso ng pagkatuto.

Ito’y isang rekognisyon o pagkilala sa nagagawa ng dibersidad o pagkakaiba-iba sa proseso ng pagkatuto.

Ito’y nagbibigay ng isang sikolohikal na kapaligiran ng paggalang sa isa’t isa, pakikipagtulungan, pagtitiwalaan, pagsusuporta, at pagiging bukas na hamon at kritisismo, pagharap sa anumang maaaring bunga ng ginawang pasya, pagkalugod at pakikipagkaibigan.

Ito’y isang set o kabuuan ng plinanong interaksiyon na humahamon sa mag-aaral upang mag-isip nang malalim at makipagpalitan ng ideya.

Ito’y isang proseso na naglalaan ng kritikal na pagninilay o repleksiyon.
Ito’y isang proseso na kapwa nagsusulong at umaasa sa pagiging independent ng mag-aaral.

Naniniwala si Royo na mahihinuhang ibinatay ang kolaboratibong pagtuturo sa Constructivist na nagbibigay-diin sa pagkatutong ekspiryensiyal at nagpapahalaga sa dibersidad ng bawat indibiduwal. Nangangahulugan ito na ang tagumpay ng kolaboratibong pagkatuto ay nakasalalay sa kakayahan ng bawat indibiduwal sa grupo na bumuo ng kahulugan batay sa kanilang sariling karanasan.

Ayon naman kina Beaty (1999), magiging epektibo lamang ang kolaboratibong pagtuturo kung naniniwala ang guro na ang kolektibong kaalaman o shared knowledge at kooperatibong paglutas ng suliranin ay nagbibigay-daan sa higit na mataas na kalidad ng pagkatuto kaysa sa pagkatuto sa pamamagitan ng paglilipat lamang ng impormasyon mula sa pinaniniwalaang mas marunong na guro patungo sa mag-aaral.

Ayon naman kay Hiemstra (1991), kapag ang mga mag-aaral ay may maibabahaging mayaman at iba-ibang karanasan at pananaw, humahantong ito sa higit na pagkaunawa kaysa sa kung ito ay nagmula at prinoseso lamang batay sa karanasan at pananaw na indibiduwal na mag-aaral.

Ang layunin, samakatuwid ng kolaboratibong pagtuturo at pagkatuto ay makabuo ng mataas na lebel ng pagkaunawa na katanggap-tanggap sa lahat ng kasapi ng pangkat sa pamamagitan ng kolektibong kaalaman at inkorporasyon ng iba’t ibang karanasan, pagpapahalaga at palagay na dala-dala nila pagpasok pa lamang sa silid-aralan.

Iminungkahi naman ni Las Calaveras (2000) na ang mga guro sa kasalukuyan ay kailangang lumayo na mula sa nakagawiang pagtuturong nakasentro sa guro o teacher-centered lessons, sa halip ay gumamit na ng mga gawaing nakapokus sa mga mag-aaral bilang aktibong participant sa proseso ng pagkatuto. Ipinaliwanag niya na ang limitadong interaksiyon ng guro at mag-aaral o mag-aaral sa kapwa mag-aaral sa mga lektyur na nakasentro sa guro ay hindi lamang naglilimita sa kakayahan ng mag-aaral sa malayang paglikha at pagmanipula ng wika, kundi nililimitahan din nito ang kaniyang kakayahan na pumasok sa higit na kompleks at makahulugang pagkatuto. Naniniwala si Las Calaveras (2000) sa natuklasan ni Vygotsky (1978) sa kaniyang pag-aaral na ang mga mag-aaral ay may kakayahan umanong magpamalas ng mataas na lebel ng kakayahang intelektuwal kapag binigyan ng oportunidad na lumahok sa mga gawaing kolaboratibo kaysa sa sarilinang pagkatuto ng mga mag-aaral.


Komponent ng kolaboratibong pagkatuto

Nagbigay si Las Calaveras (2000) ng limang mahahalagang komponent ng kolaboratibong pagkatuto:

  1. Positibong interdependens. Natututuhan ng mag-aaral na ang kontribusyon o ang ginagawa ng bawat isa ay nakakaapekto sa gawa o tagumpay ng buong grupo.
  2. Nakahihikayat na interaksiyon. Tinutulungan, hinihimok at sinusuportahan ng mga mag-aaral ang isa’t isa sa proseso dahil natututuhan nilang dumepende sa isa’t isa.
  3. Indibiduwal na akwantabilidad. Nagbibigay ang mag-aaral ng input sa pagtataya ng guro sa kanilang perpormans.
  4. Mga kasanayang sosyal. Epektibong nagtutulungan ang mga mag-aaral kaya natututuhan din nila ang kasanayan sa pamumuno, pagbuo ng desisyon, pagtitiwala sa grupo, pagbibigay ng komunikasyon, at iba pa.
  5. Pagpoproseso ng pangkat. Sinusuri ng mga mag-aaral ang naisakatuparang gawain ng pangkat at ang pangkalahatang relasyon ng bawat isa sa grupo sa pagsasagawa