Ni Wilson Fernandez
Ang indoor portrait lighting photography ay sining sa portraiture sa loob ng isang espasyo. Sa indoor lighting portraiture, mataas ang kontrol sa ilaw, backdrop at props kumpara sa outdoor portraiture. Ang tamang pag-iilaw ay susi sa paglikha ng maganda at propesyunal na indoor portrait.



Narito ang mga tips sa indoor portrait lighting
1. Gumamit ng Natural Light
Maghanap ng mga bintana o pintuan na may magandang natural light. Ang soft daylight mula sa labas ay makakadagdag sa natural look sa portrait.
2. Balanseng Ilaw
Suriin ang balanse ng ilaw sa iyong paligid. Kung may mga dilim, subuking gumamit ng reflective surfaces, tulad ng mga puting pader o mga reflector, upang ma-disperse ang ilaw.
3. Gumamit ng Artificial Lights
Kung walang sapat na natural light, gumamit ng artificial lights tulad ng softboxes o LED lights. Ang mga ito ay nagbibigay ng soft lighting effect. I-position ang mga ito sa itaas at kaunting gilid ng modelo para sa mas klarong liwanag ng subject .
Gumamit ng dimmable control para mas madaling ayusin ang brightness. Ito rin ay makakatulong sa pagbuo ng iba’t ibang mood sa larawan.

4. Light Modifiers
Mag-eksperimento sa mga light modifiers tulad ng diffusers at reflectors. Nakalilikha ng soft lighting ang paggamit ng diffuser.
5. ISO at Aperture Settings
I-adjust ang iyong camera settings upang ma-maximize ang pagkuha ng magandang litrato. Sa madilim na mga lugar, maaaring kailanganin mong pataasin ang ISO gaya ng ISO 1000 hanggang ISO 3000 ngunit iwasan ang sobrang taas dahil maaaring magdulot ito ng noise. Ang paggamit ng wider aperture (mababa ang f-stop number, f1.8 hanggang f2.8) ay makakatulong din sa pagpasok ng higit pang liwanag.


6. Anggulo at Komposisyon
Maging malikhain sa iyong pagkuha. Subukin ang iba’t ibang anggulo at compositions upang mas maipakita ang liwanag at mga anino sa mukha ng modelo.
7. Mag-eksperimento sa Shadow
Huwag matakot mag-experiment sa shadows. Ang mga shadows ay nagbibigay ng lalim at dimensiyon sa portrait na maaaring magdag ng drama sa iyong mga larawan.
8. Mood at Atmosphere
Isipin ang mood na nais mong ipahayag sa portrait. Ang kulay ng ilaw at ang orientation nito ay nakakaapekto sa kabuuang vibes ng larawan.