Dalawa pang Hagibis (1948-49) ni Francisco V. Coching

Ni Edgar Calabia Samar

(Naitampok na natin dati sa Artsibo ng Nobelang Komiks sa Liwayway ang apat sa pitong aklat ng Hagibis ni Francisco V. Coching, isa sa ating mga Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal at kinikilalang “Dekano ng Komiks sa Filipinas.” Nagsimula ang kauna-unahang aklat ng Hagibis noong 1 Abril 1946 at nagtapos ang ikapitong aklat noong 20 Nobyembre 1950. Ibig sabihin, tumagal nang halos limang taon ang seryeng ito na humubog sa malaking imahinasyon natin ng mga posibilidad ng pagsasalin ng epikong naratibo sa mga popular na anyo tulad ng komiks. Narito ngayon ang ikaapat at ikaanim na aklat ng mga nobelang Hagibis na nalaktawan natin sa mga nauunang pagtitipon. Sa susunod na labas naman natin ibabahagi ang huling aklat ng Hagibis.)

ANG ANAK NI HAGIBIS, SI GAT SIBASIB

Pamagat: Ang Anak ni Hagibis, si Gat Sibasib

Manunulat: Francisco V. Coching

Ilustrador: Francisco V. Coching

Publikasyon: Liwayway

Bilang ng Labas: 30

Bilang ng Pahina Bawat Labas: 2

Unang Labas: 3 Mayo 1948

Huling Labas: 22 Nobyembre 1948

BUOD

SA ikaapat na aklat na ito ng Hagibis, itatampok ang anak ni Hagibis na si Gat Sibasib. Ali ang unang taguri kay Sibasib sa kaniyang kabataan. Sinanay siya ng mga magulang na sina Amihan at Hagibis sa panunudla ng mga ibon at sa panunugis ng mga hayop sa gubat, gayundin sa pag-ulos at pagsalag sa pakikidigma. Isang araw ay isang liham na lamang ni Ali ang nagisnan ng mga magulang niya, dahil ibig umano nitong malibot ang daigdig.

Sa isang pulo ay hinabol niya ang isang ibon na nagbabalatkayo palang si Sultanang Salim na namatay noon dahil kay Hagibis. Nawalan ng malay si Ali dahil sa ipinainom ditong alak. Ilang buwan ang lumipas bago nagkamalay si Ali at hindi na nito kilala ang sarili. Noon tinawag ni Salim na Gat Sibasib si Ali. Sinabi ni Salim kay Sibasib na anak niya ito’t pinatay umano ni Hagibis ang ama nito.

Samantala, nanaginip nang malagim si Hagibis tungkol sa anak kaya nagpasya siyang hanapin ito. Nang makarating sa pulo si Hagibis, naghamok sila ng kaniyang anak nang hindi nakikilala ang isa’t isa. Naihulog ni Sibasib si Hagibis sa bangin. Nakilala ni Hagibis ang mangkukulam na si Dakula na siya umanong bumuhay kay Salim, ngunit pagkatapos ay pinagtaksilan siya nito’t inihulog din sa bangin. Si Dakula na rin ang tumiyak kay Hagibis na ang anak niya mismo ang nakalaban niya. Sinabi ni Dakula na maililigtas ni Hagibis ang anak kung mababawi nito ang agimat na ninakaw ni Salim sa kaniya. Nailigtas ni Dakula si Sibasib at pinagliyab si Salim hanggang maging abo.

Nang bumalik ang alaala ni Ali ay si Dakula na ang nagsabi na nararapat na gamitin nito ang pangalang Sibasib sapagkat may kaugnayan na iyon sa kaniyang buhay. Nagbalik ang mag-ama sa Kutang-Bato kung saan sila hinihintay ni Amihan.

ILANG PANSIN

⦿  Nagsisilbing ikaapat na aklat ng seryeng Hagibis ang nobelang ito at makikita iyon sa unang pahina ng unang labas. Nagsimula ito sa isang tagpo na nakaambang undayan ng tagâ ni Sibasib ang nagpakilalang ama, subalit ang itinugon lang ng una ay, “Ah duwag! Hindi kita kinikilalang ama!” Pagkatapos noon ay saka bumalik sa nagdaan ang pagsasalaysay. Malinaw na ang pagsisimulang ito in medias res ay upang kumatha ng pananabik sa mga mambabasa kung paanong nakarating sa gayong tagpo ang relasyon ng mag-ama.

⦿  May panibagong elemento ng pantasya na nakapagtatakang ikinagulat pa ni Hagibis pagkatapos ng nauna nang mga kagila-gilalas na pangyayari sa serye: nang pasakayin siya ni Dakula sa tungkod nito at ilipad sa kinaroroonan ni Sibasib matapos kunin ang bulaklak ng sapiro na magliligtas sa anak at magbabalik sa alaala nito. Maaaring sabihing nagpapakita ito ng selective awe, kung saan ang reaksiyon ni Hagibis sa pantastikong karanasan—ang pagsakay sa tungkod ni Dakula na lumilipad patungo kay Sibasib—ay nagpapamalas ng hindi pantay na emosyonal na tugon sa mga di-pangkaraniwang pangyayari. Sa kabila ng kanyang naunang pagkasanay sa mga kagila-gilalas, tulad ng pagkuha ng bulaklak ng sapiro upang iligtas ang anak, ang partikular na tagpong ito ay tila bumasag sa kanyang dahan-dahang pagkamanhid sa kamangha-mangha. Ipinapakita nito na hindi lahat ng pantastikong pangyayari ay tumatanggap ng pare-parehong pagkamangha sa naratibo. Sa halip, may ilang nananatiling makapangyarihang pumukaw sa tunay na pagtataka, nagpapahiwatig ng isang hirarkiya ng hiwaga na sumasalamin sa pansariling pagpapahalaga ni Hagibis sa kagila-gilalas. Samantala, maaari ring basahin ang eksenang ito sa lente ng wonder fatigue interruption. Matapos masaksihan ni Hagibis ang sunud-sunod na kahanga-hangang mga kaganapan, inaasahan na ang kanyang tugon sa iba pang kagila-gilalas na pangyayari ay magiging mapurol. Gayunpaman, ang pagpapakilala sa lumilipad na tungkod ni Dakula ay sumira sa tila pagkapagod na ito at muling nagpasiklab ng kanyang gilalas. Ang tagpong ito ay nagpapakita ng di-pangkaraniwang posibilidad ng reaksiyon ng tao sa pantastiko at nagpapamalas kung paanong kahit sa mundong hitik sa kababalaghan, nananatiling may kapangyarihan ang ilang tagpo na muling buhayin ang natutulog na hiwaga. Ipinapakita rin nito ang pagsisikap ng naratibo na panatilihin ang interes ng mga mambabasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sandaling muling pinaiigting ang mga hanggahan ng hindi paniniwala.

⦿  Sa huling panel ng huling labas ay makikita ang pag-aanunsiyo ng aabangang panibagong pakikipagsapalaran ni Hagibis. Mukhang iba ang hatak ni Hagibis mismo sa mga mambabasa kaysa sa kaniyang anak kaya’t kailangang ibalik siya sa sentro ng naratibo sa ikalimang aklat.

ANG PAGBABALIK NI HAGIBIS

Pamagat: Si Hagibis sa Ibang Daigdig

Manunulat: Francisco V. Coching

lustrador: Francisco V. Coching

Publikasyon: Liwayway

Bilang ng Labas: 30

Bilang ng Pahina Bawat Labas: 2

Unang Labas: 6 Hunyo 1949

Huling Labas: 2 Enero 1950

BUOD

PAG-UWI nina Hagibis at Amihan sa kanilang kaharian, dinatnan nilang pinapasabog ito ng kanyon ng mga bapor ng mga Olandes. Nilinlang ni Almirante Cornelius si Gat Sibasib sa pagpapaniwala ritong hindi sila kaaway sa kabila ng kanilang paglusob. Ginamit pa nito ang anak na si Lorraine, nang walang kamalay-malay ang dalaga, upang paibigin ang binata at nang malaman nila kung nasaan ang mga kayamanan.

Samantala, hindi nagpapakita si Hagibis sa anak, na ibig niyang sukatin ang kakayahan, at sa mga panauhin nitong Olandes na ibig naman niyang tugaygayan upang máláman ang talagang pakay. Ipinangako naman ni Sibasib ang itim na perlas kay Lorraine kaya’t sinisid niya ito sa pusod ng dagat. Inakala ng lahat na nasawi si Sibasib sa pagsisid, subalit nailigtas ito ng ama na nakakuha pa ng perlas at ibinigay iyon sa anak.

Labis namang nagdalamhati si Lorraine sa pagkawala ni Sibasib kaya’t nagdalawang-isip si Cornelius na ituloy ang kanilang binabalak. Subalit hindi sumang-ayon si Kapitan Dongones na binihag ang mag-ama, at saka nilusob at pinagnakawan pa rin ang kaharian. Iniligtas nina Hagibis at Sibasib ang mag-ama ni Lorraine, subalit nabaril ni Dongones si Sibasib bago ito napaslang ni Hagibis. Inoperahan naman ni Cornelius si Sibasib at nailigtas sa kamatayan.

ILANG PANSIN

⦿    Nagsisilbi itong ikaanim na aklat ng Hagibis. Mula simula hanggang blg. 29 lámang ng serye ang natagpuan kong kopya, wala ang huling labas noong 2 Enero 1950—at nawawala pa ang mga blg. 16–17, blg. 19, at blg. 24–27 sa loob niyan. Tanda ito ng mga limitasyon sa pananaliksik ng nobelang komiks sa bansa.

⦿  Panibagong mahalagang pagpupuno sa kasaysayan ng mga pananakop sa bansa ang pagsasangkot ni Coching sa mga Olandes dito. Mukhang ambisyosong proyekto ang kabuuan ng Hagibis sa pagtatangkang magmapa ng kasaysayan ng mga pananakop sa bansa.

⦿ Mahalagang pag-isipan ang paglalaro ng buong seryeng Hagibis sa nosyon ng kasaysayan at kagila-gilalas sa pagtawid-tawid nito sa mga espasyo ng dalawa. Sa komiks sa palagay ko nagtatagpo ang mga posibilidad ng naratibo na naunang pinagyaman sa epiko at saka ngayon ginagalugad ng pelikula. O maaaring tingnan ang komiks bilang tulay sa pagitan ng dalawa kung nag-uugat ang mga nobelang komiks sa mga estratehiya ng epiko na isinasalin naman sa pelikula.