Paghahalo ng Kuwento sa mga Konseptong pang-Aghamat pang-Matematika sa mga Lokal na Storybooks

Kolum ni Luis P. Gatmaitan, MD

Kapuri-puri ang idinaos na palihan/workshop sa pagsusulat ng mga kuwentong pambatang nakaangkla sa mga kaalamang pang-Agham at Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas (Diliman) sa Quezon City kamakailan. Pinangunahan ito ng National Institute for Science and Mathematics Education Development ng University of the Philippines (UP-NISMED) sa pakikipagtulungan ng opisina ng UNICEF sa Pilipinas. Mapalad akong naanyayahan upang maging tagapagsanay at makapagbahagi ng mga kaalaman sa kung paano ko inilahok sa mga kuwentong pambata ang aking kaalamang pang-Medisina.

Layon ng naturang workshop na makapaglabas ng mga children’s storybooks sa hinaharap na tumatalakay sa mga konseptong may kaugnayan sa Science at Mathematics. Kumbaga, hindi simpleng instructional materials lang ang gusto nilang ilathala na para bang ‘guide’ o ‘how-to’ lamang. Paano gagawing malikhain ang mga straight facts na makakatas mula sa mga konseptong hango sa Science at Math? Paano ito ipaiintindi sa mga bata sa paraang waring hindi nagtuturo? ‘Yun bang nakinig lamang ang bata sa kuwento pero natuto na.


Bagama’t kailangan din natin ng mga‘informational storybooks’ para mapasimple ang isang kumplikadong scientific o mathematical concept, mas nais bigyang-pansin ng pagsasanay ang paghahalo ng kuwento sa mga ganitong konsepto sa paraang nakaaaliw at madaling unawain.

“Nais naming makatulong sa mga kabataan ngayon na nahihirapang magbasa,” gayon ang bungad sa akin ni Dr. Monalisa Sasing ng UP NISMED. “Naisip namin na kung makagagawa ng maraming aklat pambata na magaang tumatalakay sa mga konseptong pang-Agham at Matematika, magkakaroon nang mas malalim na appreciation ang mga bata sa ganitong disiplina.”

Pero paano ba natin gagawing malikhain ang approach sa ganitong pagkukuwento? Dito papasok ang integrasyon ng kuwento sa isang konsepto. Halimbawa, kung ‘fraction’ ang pinag-uusapan sa Math, paano mo ito iisipan ng kuwento upang maging interesting ang pagkatuto sa ‘fraction.’ Kung tungkol naman sa crosspollination, photosynthesis, at ang estado ng pagiging solid-liquid-gas ng tubig ang konseptong nais paksain, paano mo ito hahaluan ng kuwento?

Ang pagdadagdag ng kuwento sa bawat konsepto
– sa ano mang disiplina – ay mabisang
paraan upang maabot ang mga
bata at kabataang mambabasa.

Ang pagdadagdag ng kuwento sa bawat konsepto – sa ano mang disiplina – ay mabisang paraan upang maabot ang mga bata at kabataang mambabasa. Kung hindi kasi interesting ang pagtalakay na gagawin sa mga konseptong pang-Math at Science, baka mas naisin na lang nilang patuloy na manood ng mga content sa Youtube o sa iba pang apps na available sa kanilang cellphone, iPad, o computer. Sa dami rin ngayon ng resources na puwedeng makuha ng bata’t kabataan sa internet, baka dito na lang sila tumambay. Kung kaya’t masasabi kong malaking hamon ito sa mga gumagawa ng content ngayon.

Sa ating pagnanais na maibahagi sa mga bata ang mga konseptong pang-Science at Math, maaari tayong gumamit ng mga tinatawag na literary devices upang mapalutang ang kaalamang itinuturo. Puwedeng gumamit ng iba’t ibang figures of speech gaya ng personification (o pagbibigay ng katangiang pantao sa isang bagay na walang buhay), imagery, simbolismo, metapora (kinakatawang bagay), analogy o paghahambing sa mga bagay-bagay sa paligid. Malaki rin ang maitutulong ng maayos na drowing o ilustrasyon upang maihatid ang mensaheng Sa ating pagnanais na maibahagi sa mga bata ang mga konseptong pang-Science at Math, maaari tayong gumamit ng mga tinatawag na literary devices upang mapalutang ang kaalamang itinuturo. nais iparating sa mambabasa. Malaki ang papel na ginagampanan ng ilustrador sa proseso ng pagpapasimple sa isang konsepto. Hindi dapat minemenos ang kontribusyon ng mga ilustrador sa pagpapagaan ng isang paksa o konsepto.



Puwede rin nating hilingin sa mga bata na sila mismo ang maghimay sa isang konseptong pang Science o Math at idaan ito sa isang skit o dula-dulaan na kailangang itanghal sa klase. Baka magulat pa tayo kapag natuklasang mas malikhain pa pala sila sa atin.

Sa ating pagnanais na maibahagi sa mga bata
ang mga konseptongpang-Science at Math,
maaari tayong gumamit ng mga tinatawag
na literary devices upang
mapalutang ang kaalamang itinuturo.

“The best way to convey a message is to give an impression that no message is being conveyed.” Ito ang nagsilbing gabay ko sa paglikha ng kuwento para sa mga bata. Kung nais magturo o magbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral, ipaabot natin ito sa kanila sa paraang hindi nila nahahalata. Aba, tinuturuan na pala sila ng Science at Math concepts ay hindi pa nila napapansin. Akala’y kinukuwentuhan lamang sila!