Ni Perry C. Mangilaya
Maatingkad na nailarawan ni Salvador,isang realist artist, ang mga isyung panlipunan sa kanyang mga obra. Nanging ibabaw rin sa kanyang mga likha ang imahen ng mga bata. At sa pamamagitan ng mga kabataan, naipapakita niya ang realidad ng buhay at pagpapahalaga sa kinabukasan ng mga ito.
Isang self-taught full time visual artist si Salvador C. Sierra, 47 ay lumaki at nakatira sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.
Sa murang edad pa lamang ay nananalaytay na sa kanyang mga ugat ang pagiging manlilikha. Pitong taong gulang palamang siya nang magsimulang iguhit ang mukha ni Dr. Jose Rizal mula sa perang dalawang pisong papel. Ginagaya rin niya ang mga cartoon character tulad ng Thunder Cats, Superman, Voltes V, mga character sa komiks, at kahit maging ang mga pabalat ng tsitsirya.
Nang tumuntong siya sa elementarya, lalo pa niyang naimapalas ang kanyang talento. Naging tagaguhit siya ng kanyang mga guro sa kanilang silid-aralan gamit ang kartolina at oslo paper. At nang siya’y nasa haiskul na, naging pambato naman siya ng kanilang paaralan sa mga poster making competition na umabot pa hanggang sa division at regional level. “Ako ang naging Best in Art Student sa elementarya at Best in Drafting Student naman noong high school,” pagkukuwento pa niya
Taong 1997, nang kumuha siya ng Art and Sign short course sa Helping Foundation. Habang nag-aaral, nabigyan siyang pagkakataon na maipakita ang kanyang talento sa pamamagitan ng paggawa ng mga wall mural painting sa kampus. Napansin at ipinagmalaki ito ng project manager ng foundation. Agad namang nakarating ito sa executive director ng foundation na si Ricky Reyes. Dahil sa nagustuhan ang kanyang obra, nagkainteres ito na itanghal ang kanyang ibang mga likha sa anibersaryo ng Helping Foundation na ginanap sa Heroes Hall Malacañan Palace noong Ramos administration. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama siya sa isang exhibit. Ito rin ang nagbigay daan para magkaroon siya ng mga offer sa paggawa ng mga wall mural painting mula sa mga kilalang personalidad.
Nang makapagtapos ng pag-aaral, nagdesisyon siyang mag tayo ng sariling Art and Sign shop at Airbrush design sa kanilang lugar. Ngunit mas nanaig ang tawag sa kanya ng pagpipinta.
Ipinagpatuloy niya ang hilig sa pagpipinta. Lalo pa niyang pinagbuti ito. Hindi siya tumitigil sa pagtuklas upang higit na madagdaganang kaalaman niya sa sining biswal. Kumuha siya ng inspirasyon mula sa mga obra ngmga pambansang alagad ng sining tulad nina Amorsolo, Manansala, Juan Luna, at iba pa.
Lalo namang nahasa ang kanyang talento nang pumasok siya sa art workshop ni Fernando Sena, ang tinaguriang Father of Philippine Art Workshop noong 1998. Dito niya natutuhan ang principle ng color wheel at color perspective. Dahil sa kanyang ipinamalas sa workshop, ginawaran siya bilang Most Outstanding Student.
Malaking ambag din sa kanyang pagkatuto ang mga itinuro ni Norman Cristobal para sa pag-improve ng skin tone lalo na sa paggawa ng portrait. “Pero ang labis na nakaimpluwens’ya sa akin na mag-isipng konsepto at bumuo ng istilo ay ang mga obra ni Norman Rockwell na isangAmerican famous painter at illustratorat ni Salvador Dali na isang Spanish surrealist painter. Pinaghalo ko ang pagiging realistic ni Rockwell at istilong surreal ni Dali upang makalikha ako ng sarili kong istilo,” sabi pa niya.
Bagama’t may narating na sa larangan ng sining biswal, nais ni Salvador na lalo pang lumawak ang mundo niya rito. Hangad niyang patuloy na makapagtanghal ng mga art exhibit sa loob at labas ng bansa. Nais din niyang matuto at mapukaw ang mga tao sa kahalagahan ng sining biswal lalo na sa mga lugar na hindi masyadongp inapahalagahan ang talento sap agpipinta. “Gusto ko ring makapagdaos ng mga art workshop sa hinaharap paramatuto ang mga kabataang may talento sa pagpipinta. Magkaroon din ng sariling Gallery of Contemporary Art at sariling museo ng sining biswal,” aniya pa.
Bilang isang social realist painter,nais niyang lumikha ng mga konseptona makaka-relate ang mga tao saisang partikular na isyu. Sinisikapniyang hamunin ang pag-iisip ng mgatao sa kanyang mga likha. Kung ano ang koneksiyon at mensaheng nais iparating ng kanyang mga painting.
Sa dami ng kanyang mga likha, lahat ng ito ay maipagmamalaki niya ngunit may ilang paintingdin siyang mas malapit sa kanyang puso. Ito ang ‘’To Whom it may Concern” series work na naging finalist sa 14th Salon Art Renewal CenterWorldwide Art Competition 2019 sa USA sa kategoryang Imaginative Realism. Ipinagmamalaki rin niya ang “The Hope Beyond One’s Depth” na naging finalist din sa Figure Painting International Art Competition 2019 ng New Tang Dinasty Television Network (NTDTV) sa New York, U.S.A. Ang obra niyang ito ay nakarating sa America sa unang pagkakataon at naitanghal pa sa isang eksibisyon sa Salmagundi Art Cub New York,U.S.A.
Tagumpay namang nakapagdaos siya ng solo eksibit sa Nineveh Art Space sa tulong ni Mr.Louie Sevilla, isang gallery owner at art collector noong 2011 at 2012. Bukod sa solo eksibit, halos tao-taon ay naging tampok din siya sa mga group exhibit simula noong 2018 hanggang ngayong taon. Ilan sa mga ito ang Art Merge Group Show sa Art Anton SM Mall of Asia, Don Papa Rum Top Ten Winner Exhibit sa Art Fair Philippines, Artmerge-Nuzen Gallery Tagaytay, Dayo Group Show-Pugad Ni Art Studio Baguio City, Made for Hope 4-Metrobank Art and Design Excellence Network of Winners Exhibit Art Lounge Manila, Crest Trade Show-‘’RE-ALIGNED” Artes Indios Group Exhibition, Regeneration Travelling Art Exhibition of 25 Selected Bulakenyo Artists, at ang Sapin Sapin, Patong Patong, Halo Halo Group Show Hiyas ng Bulacan Museum, at marami pang iba.
Bukod sa matagumpay na mga eksibit, umani na rin siya ng mga parangal mula sa mga prestihiyosong patimpalak ng sining biswal. Naging Top 30 Finalist siya sa Philippine Art Awards-Metropolitan Museum of Manila, Honorable Mention-Metrobank Foundation Young Painters Annual, Special Prize Winner Metrobank Art & Design Excellence (MADE), Grand Prize Winner Haring Ibon Nationwide Art Competition, Top 40 selected artist Philippine Art AwardsNational Museum Manila, Honorable Mention Galal Kalalagan Aslagan–Filipina National Painting Competition, at iba pa.
Bilang isang pintor na may pagpapahalaga at malasakit sa kinabukasan ng mga kabataan, nais din niyang magbigay payo sa mga ito na gustong pasukin ang larangan ng pagpipinta. “Hardwork and determination. Huwag maging mainipin at masiraan ng loob sa kanilang nililikhang mga obra. Lahat ay nagsisimula sa pangit na panimula. Mahalin ang trabaho. Kapag mahal mo ang ‘yong trabaho, hindi magtatagal ay susulong ka at magugulat na lang na kaya mo palang gawin ang dating hindi mo kayang ipinta,” sabi niya.
“Uudyukan ka ng pagmamahal na ‘yan nahigit ka pang magsikap na makalikha ng isangmagandang obra na maipagmamalaki mo. Iwasan ding mangopya sa iba dahil mas masarap sa pakiramdam kapag nakapagpinta ka nang hindi kinopya,” dagdag pa niya.
“Ang hiling ko sana ay suportahan ng kinauukulan ang mga visual artist sa ating bansa sapagkat ang pagtangkilik ng mga kolektor ang isa sa tanging paraan upang masuportahan ng mga pintor ang kanilang sarili at pamilya,” ito naman ang hiling niya sa industriya ng sining biswal.
“Kapag maayos na nasusuportahan ang mga pintor, lalong sisipagin silang patuloy na lumikha pa ng mga obra,” pagtatapos niya.
Sa kasalukuyan, abala si Salvador sa kanyang pagiging founding member at Presidenteng Artes Indios Visual Artist Group ng San Jose del Monte, Bulacan.
Pinaghahandaan din niya ang kanyang mgapaparating na proyekto. Isa siya sa mga delegado sa darating na Philippine-Korea Art Exhibition sa GSIS museum. Gayundin sa ‘ORIGIN’ A Group Art Exhibit sa SM Art Center SM Megamall.
Sa susunod na taon, tampok din siya sa group exhibition sa Manila Clock Tower, at maging isa sa mga delegado ng Pilipinas para sa International Art Exhibition.
Sa mga interesado sa mga likhang sining ni Salvador, maaaring makipag-ugnayan sa kanyang Facebook account at Facebook page: Salvador Sierra at Instagram account na salvador_corpuz_sierra.