Ni SEVERINO REYES
(Muling Nailathala: LIWAYWAY, Hunyo 11, 1962)
NANG nakaupo nang lahat ang mga makikinig kay Lola Basiang ay nagsalita siya:
“Kuwentuhan na naman tayo!”
“Oo, Lola magkuwento ka na,” ang sigawan ng mga apo.
“Ano ba ang ikukuwento mo, Lola?” ang tanong ni Panching.
“Ang Halaga ng Isang Ama Namin o Si Tagotog na Kapitan ng mga Tulisan.”
“Mainam marahil,” ang sabi ni Panching, isang batang mabait ay may loob sa Diyos.
“Ang isasalaysay ko ay nangyari noong panahon ng mga Kastila, noong panahon ng malulupit na guwardiya sibil.”
“Wala pa bang konstable noon, Lola?”
“Marami na bang magnanakaw noon?” ang tanong naman ni Angeling.
“May magnanakaw na nang panahong iyon, subali’t hindi lamang napakaraming gaya ngayon.”
“Siya nga, Lola, napakaraming magnanakaw ngayon,” ani Charing. “Sa araw–araw ay wala nang mababasa sa mga pahayagan kundi nakawan.”
“Noong panahon ng mga guwardiya sibil, ang mga tulisan ay talagang nagsisilaban ng putukan, hindi gaya ng mga tulisang pulpol. Noong araw, sasamsamin nga ng mga tulisan ang salapi mo, datapwa’t hindi ka sasaktan. Sila’y hindi pumapatay at sukat ng tao, liban lamang kung sila’y sinasalakay ng mga guwardiya sibil at napipilitang ipagsanggalang nila ang sariling buhay.”
“Mabubuti pala naman ang mga tulisang iyon,” ani Vincenteng. “Masasamang mabuti nang kaunti,” dugtong pa, bagay na ikinapatawa ng mga kaharap.
“Nang panahong iyon,” ang patuloy ni Lola Basiang, “ay may naninirahang isang matandang lalaki sa isang kuweba sa bundok ng Banahaw na kung tawagin ay bundok ng San Cristobal.”
“Saan bang dako naroon ang bundok ng San Cristobal, Lola?” ang tanong ni Danding.
“Nasa dakong Tayabas. Sa pagkasabi ng mga ekspertong inhinyerong Amerikano, maigiba raw lamang ang tinurang bundok ay lalamig na dito sa Maynila kahit panahon ng kurisma, pagka’t ang bundok na iyon daw ang nakahambalang sa malamig na hanging palay–palay na dapat sumapit ito sa Maynila. Nguni’t di kakaunting salapi ang gugugulin sa paggigiba ng pagkalaki–laking bundok ng Banahaw.”
“Marunong pa sila sa Diyos!” ang pakli ni Aling Payang, ang pinakamabait sa lahat ng manugang ni Lola Basiang. “Kapag lumamig naman nang lumamig dito sa Maynila, marahil ay hindi naman aalis dito ang diyablong trangkaso. Marunong pa sila kay Bathala!”
“Tunay nga naman,” ani Lola Basiang. “Ako’y magpapatuloy na ng pagkukuwento.”
“Sige, Lola,” anang mga apo.
ANG matandang lalaking nakatira sa isang kuweba sa bundok ng Banahaw ay may mahabang buhok at balbas na puting–puting na. Kilala siya ng mga nakarating doon sa pangalang Ermitanyo Pablo, na balitang totoong napakarunong daw, pagka’t ang kabataan niya ay naging alila siya ng isang paring Heswita na maraming karunungang nalalaman.
Maraming nagtataka sapagka’t gayong nag–iisa si Ermintayo Pablo sa kuweba ay naaaring kumain ng masasarap na pagkain. Saan siya kukuha ng mga pagkaing nasa lata? May isang dumalaw sa kanya, at nakita niyong nag–aagahan siya ng mainit na tinapay at keso de–bola. Walang makapagsabing sino man kung taga–saan si Ermitanyo Pablo at kung saan siya kumukuha ng kinakaing masasarap. Kaya may nagsapantaha na ang kuwebang iyo’y may tuluyan na daanang patungo sa Maynila. Subali’t may nakasubok daw namang mga pastol, at nasaksihan ng mga iyon na si Ermitanyo Pablo ay naaaring makaparoon kulob saan dahil sa bisa ng libro nito. Kapag binuksan daw ng Ermitanyo ang naturang aklat ay itataas na siya at lilipad kung saan man nais niyang pumaroon. Nakita raw ng mga pastol, isang gabi, ang ermitanyo ay may dalang bukas na aklat at lumilipad.
Isang araw, sa kuweba ng ermitanyo ay dumating si Tagotog, isang binatang magandang lalaki nguni’t may masamang hilig. May mga taong talagang ganoon: ang hilig ng katawa’y hindi sa mabubuting bagay. Ang hilig ni Tagotog ay panunulisan at pamumuno. Nabalitaan ni Tagotog na si Ermitanyo Pablo ay isang matandang napakarunong, kaya naisipan niyang hanapin ito.
Pagdating ni Tagotog sa pinto ng kuweba, pagdaka’y lumuhod siya at nagwika ng: “Bigyan po kayo ng magandang hapon, kagalang–galang na ermitanyo.”
“Magandang araw naman, anak ko,” ang sagot ng dinatnan. “Magtuloy ka.”
Si Tagotog ay nagtuloy naman, lumuhod at humalik sa kamay ng ermitanyo.
“Maupo ka, anak,” ang wika ng ermitanyo sa kanyang panauhin. “Baka nagugutom ka. Ibig mo bang magminandal?” At itinuro ang mesang bato na puno ng sari–saring pagkain. May mga tinapay na mainit pa, at may mantekilya ay keso de–bola. Si Tagotog ay nagtaka.
“Ako po’y hindi nagugutom, Ingkong Pablo,” anang panauhin.
“Ano ba ang sadya mo? Bakit ka nakarating dito?”
“Nakahihiya pong turan, Ingkong.”
“Sabihin mo. Walang tao dito kundi tayong dalawa lamang. Huwag kang mahiya.”
“Ako po’y nahalal na mamuno sa…sa…isang kawan ng tulisan.”
“Ha? At tinanggap mo naman ang tungkuling iyon?”
“Hindi ko po naiwasan, e. Kaya, isinasamo ko sa inyo, Ingkong, na pagkalooban ninyo ako ng sapi sa aking katawan.”
“A, ibig mong magkaroon ng galing?”
“Opo, anting–anting po.”
“Ano ang ibig mong anting–anting? Ibig mo bang huwag kang makita ng magsisipaghanap sa iyo, kahit na kaharap ka?”
“Ayoko po ng sa tagabulag. Ako po’y lalaban nang harapan sa mga guwardiya sibil kapag nagipit kami.”
“A, ang ibig mong sapi’y iyong hindi ka tatablan ng bala ni patalim?”
“Iyon nga po sana, Ingkong.”
“Maaari kitang pagkalooban kung ikaw ay mangangakong tutupad sa aking mga itatagubilin sa iyo.”
“Opo. Sabihin mo po, Ingkong, at ako’y nangangakong di magkukulang.”
“Huwag kang papatay ng tao, hane? At ang mga tauhan mo’y pagbabawalan mo ring pumatay ng tao.”
“Opo.”
“Huwag mong lalapastanganin ang babae, ang bata’t matanda.”
“Opo, Ingkong.”
“Ganyan din ang itatagubilin mo sa iyong mga tauhan.”
“Opo, Ingkong. Lahat po kami’y tutupad sa inyong mga tagubilin.”
Ang ermitanyo ay pumasok sa kaloob–looban ng kanyang kuweba, at nang lumbas ay may dalang isang anaki’y kalmen.
“Huwag mo itong iwawalay sa iyong katawan, gabi’t araw,” anang ermitanyo kay Tagotog. “At huwag mong kalilimutan na bago matulog ay magdasal ng isang “Ama Namin” patungkol sa anting–anting na ito.”
“Opo.”
“Pagkagising mo sa umaga ay magdarasal ka ng isa pa uling “Ama Namin.”
“Opo.”
“Kapag nasunod mong lahat ang tagubilin ko ay ipagsasanggalang ka ng anting–anting na iyan.”
Dumukot si Tagotog sa bulsa ng isang lilimampuin at iniabot sa ermitanyo.
“Huwag, anak. Hindi ko kailangan iyan.”
“Naku, Ingkong, kaybuti mo po!” At muling hinagkan ni Tagotog ang kamay ng ermitanyo.
Ipinatong ang kamay ng ermitanyo sa ulo ni Tagotog at binasbasan ito.
“Kaawaan ka ni Bathala! Yumao ka na, at nang huwag kang lalimin ng gabi. Huwag mong kalilimutang bumalik dito at dumalaw uli sa akin.”
“Opo, hindi po ako makalilimot, Ingkong.”
Si Tagotog ay umuwi na. Buhat nang gabing iyon at pinatungkulan na niya ng isang “Ama Namin” ang kanyang sapi.
Di naman naglaon at ang pangkat ni Tagotog ay napalaban sa mga guwardiya sibil. Nilusob ni Tagotog ang bahay na tinatawag na Kasa Administrasyon. Si Tagotog ay humarap nang lantad ang dibdib sa putukan.
Mabilis na lumaganap sa bayan–bayan ang balitang si Kapitan Tagotog ay ubod ng tapang at hindi tinatablan ng bala ni patalim.
Si Kapitan Tagotog ay kilala na ng mga guwardiya sibil. Ang galit nila sa puno ng mga tulisan ay gayon na lamang, pagka’t sila’y napagtatawanan ng mga tao. Sa isang mahigpit na labanan ng mga tulisan at guwardiya sibil, si Tagotog ay napagtalakupan at pinagsaksak ng bayoneta ng mga kalaban. Subali’t ang mga bayoneta ay nangabaluktot. Natakot ang mga guwardiya sibil at nagsisigawang nagpanakbuhan. “Dimonyo yata sa impiyenro ang kapitan ng mga tulisang iyan!”
Lumipas ang ilang taon. Yumaman si Tagotog sa panunulisan. Gayon man, hindi niya nakakaligtaang magkawanggawa sa mahihirap.
Isang gabing natutulog siya ay biglang napabangon, pagka’t parang nakita niya si Ermitanyo Pablo at siya’y kinausao nito: “Anak, ako’y nalimutan mo na, hindi mo na ako dinalaw.”

Nang siya’y dumating sa kuweba ng ermitanyo, si Tagotog ay namangha nang makita niyang isang malaking sawa ang nakabitin sa bungad ng kuweba. Lalo na siyang nagtaka nang walang sumagot sa kanyang pagtawag. Sa daraan naman ang ilang pastol.

Buhat noo’y hindi na mapalagay si Tagotog. At isang araw, tinipon niya ang maraming balang nagsilapat sa kanyang katawan nang siya’y lumaban ng barilan sa mga guwardiya sibil, upang maipagparangalan kay Ermitanyo Pablo, at lumakad na siyang patungo sa bundok ng Banahaw.
Nang siya’y dumating sa kuweba ng ermitanyo, si Tagotog ay namangha nang makita niyang isang malaking sawa ang nakabitin sa bungad ng kuweba. Lalo na siyang nagtaka nang walang sumagot sa kanyang pagtawag. Sa daraan naman ang ilang pastol.
“Wala na pong tao diyan,” ang panabay na sabi ng mga pastol.
“Namatay na ba si Ermitanyo Pablo?” tanong ni Tagotog.
“Hindi po namin alam. Isang hapo’y nakita naming hawak niya ang kanyang aklat, at lumipad siya. Buhat po noo’y hindi na nagbalik sa kuweba.”
“Sayang na matanda!”
“Talaga pong sayang. Napakarunong pong matanda niyon. Ngayon po’y wala na kaming tanungan. Nalalaman po ni Tandang Pablo kung uulan o hindi, o kung babagyo kaya,” ang sabi ng pinakamatanda sa mga pastol.
“Ibalita mo nga sa kanya, Tibo, ang ipinakita sa ating karunungan ng ermitanyo isang hapong tanungin natin siya kung uulan at nang mailigpit natin ang ating mga baka at kalabaw,” anang isa sa mga pastol.
“Ganito po iyon,” pagbabalita ng tinukoy. “Alam ninyo, isang hapong tanungin namin siya kung uulan ang sagot sa ami’y “Ngayon pa kayo nagtanong ay nasa ibabaw na ninyo ang ulan? Hala, magsiuwi na kayo at kayo’y hindi mababasa. Kasunod ninyo ang ulan.” At gayon nga po ang nangyari. Sa paglakad namin ay sinunsundan kami ng ulan na nadidinding sa aming likuran, hanggang sa mailigpit namin ang aming mga hayop.
Nakisabay na si Tagotog sa mga pastol na pauwi na. Habang daa’y hindi matapus–tapos ang ibinibida ng mga pastol na mga kahanga–hangang karunungan ni Ermitanyo Pablo.
Dinamdam na lubha ni Tagotog ang pagkawala ni Ermitanyo Pablo. Dahil sa matinding kalungkutan, napabayaan na niya tuloy ang kanyang pangkat. Hindi na siya nagsasama sa panloloob ng kanyang mga tauhan. Hanggang sa ang kanyang pangkat ay lumiit nang lumiit, pagka’t buhat nang hindi siya magsama sa panloloob ay laging nalalagasan ang kanyang mga tauhan.
Si Tagotog ay nanghina nang nanghina, at lumabo pa ang mga mata. Nang malaon, naisip niyang magbalik–loob at umuwi na ng bayan.
Sa bayan, ay walang nakakilalang siya si Kapitang Tagotog, pagka’t buhat nang magbalik siya sa bayan at ang kanyang pangkat at iwan na niya sa kanyang pangalawang puno, ay ginamit na niya ang kanyang tunay na pangalang Antonio Makapalad.
Bumili siya ng isang magandang bahay sa Maynila at inilagak niya sa banko ang kanyang kayamanan.
Kapag nag–aabuloy sa mga pagamutan si Tagotog, na ngayo’y kilala na bilang si Don Antonio Makapalad, ay maraming nagtatanong kung sino ang ginoong iyon na totoong napakayaman.
Nang si Don Antonio’y manghina nang manghina ay nagpatawag siya ng isang pari. Nais niyang mangumpisal. Ang natawag ay si Pari Apolonio Reyes, na marunong at mabait na klerigong taga–Santa Cruz, Maynila. Palibhasa’y masasabing iyon ay isang kompesyon heneral na, tumagal nang limang araw ang kumpisalan bago iginawad ng pari ang kapatawaran. Ipinagtapat ni Tagotog na siya’y may anting–anting na iniingatan, at dahil sa tinurang galing ay hindi siya tinatablan ng bala ni patalim. Ipinagtapat din niya sa pari kung sino ang nagkaloob sa kanya at ang mga tagubilin ng ermitanyo na ang anting–anting ay patungkulan niya ng isang “Ama Namin” bago matulog ay gayon din pagkagising.
“Hindi ka patatawarin ng Diyos kapag hindi mo inalis sa iyong katawan ang anting–anting na iyan,” sabi ng pari.
“Ngayon din po’y ibibigay ko sa inyo, among.” At hinubad ni Tagotog, o Don Antonio Makapalad, ang kalmeng kaloob sa kanya ni Ermitanyo Pablo, at iniabot kay Pari Apolonio.
Nang mamatay si Tagotog ay iniwan na ng pari. Nananabik ang pari na mabuksan ang kalmen upang makita ang anting–anting na laman niyon. Pagdating sa bahay, nasa hagdanan pa lamang, ay humingi na ng kortapluma si Pari Apolonio.
SA bahaging iyon ng kuwento ay huminto si Lola Basiang.
“Nalalaman ba ninyo ang laman ng kalmen?” tanong niya sa mga kaharap. “Hulaan ninyo kung ano ang laman.”
“Marahil ay isang Santo Kristong tanso, hindi ba, Lola?” ani Felicing.
“Hindi Santo Kristo ni ano mang santo!”
“At ano, Lola?” ang panabay na tanungan ng mga apo ni Lola Basiang.
“Isang alas na kopas na libaging–libagin!”
“Naku!” ang sigawan ng lahat. “Alas na Kopas pala!”
“Mabuti palang anting–anting ang alas na kopas!” ani Danding.
“Hindi ang alas na kopas ang mabuti. Ang mabuti ay ang “Ama Naming” dinarasal ni Tagotog. Ang kanyang ganap na pananampalataya ang nagligtas sa kanya sa mga bala at patalim ng mga guwardiya sibil. Hala…magsitulog na kayo at tapos na ang kuwento.
“Mabuhay ang Lola!”