BAWAT TATAK, BAKAS NG BACOLOD

Sa isang sulok sa Bacolod Central Market, patuloy sa paglililok ng mga stamp o pantatak na yari sa kahoy si Nelan Pahilona, 49 taong gulang. Magmula sa kanyang pag-uukit, nasusuportahan niya ang kanyang asawa at ang siyam nilang mga anak.