Ni IGNACIO FACUNDO
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Hulyo 2, 1951)
Nang aking makitang hindi tumitila
sa mga mata mo ang patak ng luha,
tinula ang iyong buhay na kawawa
at ako ay naging mahalmong makata.
Sa kamay ng ganid na mapanduhagi
nang mamalas kitang siil na parati,
ipinagtanggol ka upang makandili
at ako ay naging mahal mong bayani.
Nang nagigipit ka sa pang-agdung-buhay
ay gumawa ako maging gabi’t araw
upang mabigyan ka ng kaginhawahan.
Subalit nang ako nama’y mapahamak
ay naglumuhod kang nakadaop-palad
at wasak ang pusong sa Diyos tumawag.








