Ni CENON V. REGALADO
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Mayo 28, 1962)
Sa labindalawang perlas na tinuhog
ikaw ay panlimang sangla ng panahon;
marikit na supling ng magkasing-irog,
taglay na yamungmong
ay kal’walhatian ng buong sinukob.
Sa buong santao’y paminsanan lamang
ang iyong pagdating
na ang pasalubong ay ambong masinsin;
dilig ng pagsinta sa mga halamang
nagsipangulutding
sa parusang init ng katag-arawan.
Ang bahaw na ilog na lantang pagsuyo
ay muling umapaw
sa tubig-ligayang kristal na malinaw;
(O, aking Ligayang ulap na naglaho,
saglit kang dumalaw
na mabangong Mayo sa ulilang puso!)
sa k’wintas ng taon,









