Ni Ramil Jasareno
Sapagkat tinawag ka ng alon
upang dalhin sa laot.
Wala akong pasok
ng hapon na iyon.
Ang nanay ang nagbalita
na ikaw ay nawala.
Hindi ka nawala, kundi kusang
nagbalik kung saan nagmula.
Ngayon ay ilulusong ko
ang paa sa tubig.
Ibabalik ko sa dagat
ang binigay niyang sugat.