Ni EUGENIO H. MOJICA

(Unang nailathala: LIWAYWAY, Hulyo 2, 1951)

Pinagkuyom sa hinagap ng nagandang paraluman

Na palaging iibigin ang puso kong nanawagan;

Sinabi mo lakambini na kita ay magduruyan

Sa balumbon ng pangarap ng matamis na suyuan.

Ang suyuu’y naging bunga ng sagang dalawang ayos,

Pula’t itim; pula’y galit ng puso mong nang dumamot

Naging itim ang palad kong luksang-luksa nang malunos

Dahilan sa parusa mong sa tuwa ko ay dumurog.

Hindi ba at isinumpang tanging akung ako lamang

Ang mahal mo, at karugtong ng palad at iyong buhay?

Bakit ngayon, ang sumpa mong sa akin ay binitiwan,

Ay binawi’t ang pangako ay iyong tinalikuran?