Ni DOMINGO MARTIN
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Mayo 15, 1950)
Dali’y dalaga kang maganda’t marilag,
Magandang umayos mahinhing gumayak;
Magalang magwika, tapat sa pagliyag
Sa kasintahan mong, pag-ibig ang hangad.
Kaya kahit ako’y dukha ay naghandog,
Ng isang pag-ibig sa iyong alindog;
At hindi nagtagal ang daing kong taos,
Ang pagmamahal ko ay iyong kinupkop.
Subalit mayroong binatang mapilak,
Sa iyo’yy naghandog ng kanyang paglingap;
Kaya nga at ako’y nilimot mo’t sukat,
Ng salawahan mo at dibdib na hamak.








