Ni RUFINO S. MULDON
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Hunyo 7, 1948)
Sa bukid, ang buhay kung aking malasin,
Sagana sa lugod at mga awitin;
Sa gabing payapa kung nagugupiling
Lalong gumágandá ang mga tanawin:
Saluysoy ng batis at hihrp ng hangın,
Ay tulang malamyos ng mga hilahill
At may katutubong kariktan ang bukid,
Di likha ng tao at tayog ng isip;
Pagka’t kalikasan ang dito’y nagbihis
Walang karangyaang magaslaw sa titig.
Sa gabi, ang ilaw na kaaya-aya
Ay tala, bituin at Buwang sultana;
Ang likas na ilaw hanggang sa umaga
Ay nagiging tanod ng pusong may dusa!








