Ni CARLOS GATMAITAN
(Unang nailathala: LIWAYWAY Hunyo 5, 1961)
Sa panahong ito ng pagdaralita
baya’y naghihintay ng isang himala;
nguni’t hindi yaong himalang ginawa
sa tatlong tinapay at apat na isda;
ngayong nagtitiis ng gutom ang bansa
isang punong tapat ang nais ng madla.
Di na kailangang matulad kay Hesus
ang punong sa baya’y makapaglilingkod
nguni’t hindi lahat ng may pasang krus
ay matatawag nang isang Manunubos;
si Estas, tinqnan mo’t sa kurus nalagot
nguni’t nasabi banq siya’y isang diyos?
Ang tapat na punong aming hinihintay.
ay yaong may budhi’t damdaming marangal;
di ngayo’t may pako ang paa mo’t kamay
at nagigitna ka ng da’awang hunghang
matutubos mo na sa karalitaan
ang dalawampu’t pitong milyong mamamayan.
Ang nais ng baya’y di mo masusungkit
sa tayog ng iyong ka’baryong pinanhik;
wala ka manq kurus at koronaną tinik
di ka man pina’o’t inu’os sa dibdib;
kung mav kabutiha’t aral kang nahasik
gugunitain ka ng buong daigdig.








