Ni VICTORIA L. CORPUS
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Hulyo 1, 1946)
ANG sindak at pag-aagam-agam ay laging namumugad sa dibdib ni Priscila Davinia. Sa mga oras ng mahimbing na pagtulog ay dinadalaw siya ng malagim na panaginip, nakatatakot, nakababalisa. At kung siya’y gising ay hindi siya patahimikin ng mapapanglaw na guni-guni, nakapangingilabot, nakapanglulumo.
Isang mapanglaw na pangitain ang ayaw magpatahimik sa isipan ng magandang ginang ng makisig na abiyador na si Tenyente Rosauro Alvar. Parang may nagbubulong sa kanya na ang kanyang mahal na asawa’y masasawi sa isang sakuna.
Mapanganib na totoo ang buhay ng isang manglilipad!
Kung natatanaw ni Priscila ang makikintab na sasakyang anaki’y ibong lumilipad sa himpapawid at kapag naririnig niya ang datig na ugong nito ay natututop niya ang kanyang dibdib at nakapagbibigkas ng isang taimtim na dalangin:
“Iligtas Mo po, maawaing Diyos, ang aking minamahal na kabiyak ng puso!”
Kay Rosauro ay hindi miminsang isinamo ni Priscila na magbitiw na sa tunggol yayamang sila nama’y nakaririwasa sa buhay. Ngunit si Rosauro Alvar ay nakatawa pang sumasagot.
“Ano ang ikatatakot mo sa aking pagpapalipad ng aeroplano? Mahirap pa ang magpatakbo ng automobil dito sa masikip na lansangan, lalo na sa Maynila. Ang himpapawid ay malawak, sariling-sarili ko, malamig at tahimik na tahimik.
“Subali’t paano ang iyong gagawin kung masiraan ng makina ang iyong aeroplano? Iyon ba’y katulad ng autong kapag tumigil ay nakabababa ka na lamang at sukat? Ang munting kapinsalaan sa makina ay nangangahulugan ng iyong pagbagsak mula sa kaitaasan at sa pagsayad sa lupa’y magkakawasak-wasak ang sasakyan samantalang ikaw… ano ang mangyayari sa iyo?…” At tinutop ni Priscila ng nanglalamig na mga palad ang luhaan niyang mga mata.
“Lokang tao ito…” Ang tugong nakangiti ni Rosauro. “Kung ano-ano ang isinasa-isip…”
At ang lahat ng mapapanglaw na guniguning namumugad sa diwa ni Priscila ay isa-iisang naparam dahil sa masuyong pangungusap ng mapagmahal niyang kapilas ng dibdib.
Masasayang sandali, maligayang mga araw ang pumatnubay sa pagsasama ni Priscila at Rosauro. Ang maitim na anino ng pangambang aali-aligid sa tuwina ay natutuhan ni Priscilang pawalang-kabuluhan. Ang malabis lamang na pag-ibig sa asawa ang nag-udyok upang mamahay sa kanyang dibdib ang guniguning takot.
Kaya nanumbalik kay Priscila ang dating sigla ng katawan. Nakangiti siyang tinatanaw hanggang sa malayo ang asawang makisig sa suot na uniporme, kung ito’y patungo na sa paliparan. At pagdating ng oras ng pag-uwi ay matiyagang nanunungaw sa durungawan si Priscila at tuwang-tuwang sumasalubong sa asawa.
Datapuwa’t… isang araw ay hindi dumating sa takdang oras si Rosauro. Napanghal na sa paghihintay si Priscila. Nanghapdi na ang kanyang mga mata sa pagtanaw sa lansangang dinaraanan ng asawa. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa pagkakawak sa orasan. Ang bawa’t sandaling magdaan ay isang mahabang kuwintas ng pananabik.
Dumidilim na ang langit. Ang lambong ng gabi’y unti-unti nang kumakalat sa sangsinukob. Lumalamig ang hangin. Kinilabutan si Priscila. Sa bawa’t pintig ng kanyang puso’y sumasaliw ang isang malagim na katanungan.
Si Rosauro kaya ay napahamak?
Biglang-biglang nanumbalik sa puso ni Priscila ang dating guniguning takot na ayaw magpatahimik sa kanya noong unang mga araw ng kanilang pagsasama. Sa kanyang mga paningin ay biglang bumulaga ang maitim na anino ni Kamatayan, na siyang laging panauhin ng kanyang mga panagimpan.
Tumatagistis ang luha sa mga mata ni Priscila habang nagmamadali siyang nagbihis upang alamin sa paliparan ang tunay na sanhi ng pagkabalam ni Rosauro.
Kumakaba ang dibdib at lito ang diwang nanaog ng bahay si Priscila. Nguni’t sa tapat ng tarangkahan ay biglang huminto ang “jitney” ng hukbong Pilipino kaya, si Priscila ay patakbong sumalubong na nagmamadali ring Tenyente Estaño.
“Tenyente… nasaan si Rosauro?” Ang pasigaw halos na usisa ni Priscila.
Napahinto sa kanyang matuling paglakad ang tenyente. Siya ay nagbaba ng paningin. Ang mga pangungusap na inuusal niya sa sarili ay hindi niya mabigkas sa harap ng balisang ginang ni Tenyente Alvar.
“Tenyente… hindi ka na sumagot?” Giit ni Priscila.
At magkadaop ang mga kamay na tinitigan ni Priscila ang nagugulumihanang tenyente na wari bagang ang pananalitang bibigkasin niyon ay nangangahulugan ng kanyang buhay at kamatayan.
Sa sinabing iyong ng ina ay hindi na kumibo si Romy. Ang pinagkaabalahan naman ng bata ay ang paghahagilap ng mga pirapirasong kahoy, pako, martilyo, lata at kung ano-ano pang kagamitan. Pagkaraan pa ng ilang oras ay tuwang-tuwang ipinagparangalan sa ina ang bagong kayayaring laruan.
“Ginang Alvar,” ang sa wakas ay natanaw sa mga labi ni Tenyente Estaño,” malungkot at napanglulumo ang balitang aking taglay, nguni’t isinasamo ko sa inyong tipunin sana ang inyong lakas ng loob na siyang dapat ipamalas ng isang asawa ng magigiting na tauhan ng hukbo. Si Tenyente Alvar ay nasawi nang bumagsak ang aeroplanong kanyang pinalilipad samantalang ginaganap ang karaniwang pagsasanay.
Tinakasan ng kulay ang malungkot na mukha ni Priscila. Nakatitig siya sa tenyente, walang kakurap-kurap ang kanyang mata, ngunit mga paninging anaki’y hindi nakakakita. Gumagalaw ang mapuputla niyang mga labi, subali’t walang pangungusap na mamutawi sa mga ito. Sa loob lamang ng ilang sandali’y napalugmok sa lupa ang kahabag-habag na babae.
Nasa loob ng isang maaliwalas na silid ng ospital nang magkamalay-tao si Priscila. Puting-puti na ang kanyang damit. Maayos ang boong paligid. Ang malamig na hanging dumadapo sa kanyang mukha’y nagdudulot ng ginhawa sa nanghihina niyang pangangatawan. At sa kanyang diwa’y dahan-dahang nagbalik ang mapait na katotohanan. Siya’y nag-iisa na sa daigdig! Patay na si Rosauro…
“Rosauro…” Pahimutok na nasambit ni Priscila nang manariwa sa isipan ang malungkot na kapahamakang sinapit ng minamahal na asawa. “Ano pa ang halaga ng mabuhay?”
Parang baliw na nilabnot ng nagdurusang babae ang kanyang buhok, itinaas niya ang kanyang mga kamay at nag-annyong titindig, subali’t sa kanyang pandinig ay nakarating ang matinis na tili ng isang sanggol.
“U-ha-wha-haha.”
Ang mga paningin ni Priscila ay napako sa munting kuna na nakaagapay sa kanyang kamang kinahihigan. Isang maliit na sanggol ang naroong kumakawag at umiiyak.
“Isang sanggol?…” Ang nasambit ni Priscila.
Sa naririmlang isipan ng nagdadalamhating balo ay naglandas ang silahis ng kaliwanagan. Nagunita niyang siya’y malapit nang maging ina nang sumapit ang malupit na balitang taglay ni Tenyente Estaño. Siya’y hindi nakapaglaban sa matinding dagok ng kapighatian kaya ang mga pangyayaring naganap nang mga sumunod na araw ay hindi niya namalayan.
“Isang sanggol, ginang, inyong sariling sanggol…”
Natingala si Priscila at tinitigan ang may-ari ng malamig na tinig na iyon.
Maaamong mata ng isang magandang narses ang tumunghay sa tila gulilat na mga paningin ni Priscila.
“Aking sanggol? Liwanagin ninyo ako.” Samo ni Priscila.
“May limang araw na kayo dito sa ospital.” Ang boong pusong palliwanag ni Bb. Venturina, ang punong narses. “Nang kayo’y ipasok dito ay wala kayonng malay tao at sa loob ng dalawang oras lamang ay sinikap ng mga manggagamot na mailuwal sa sangmaliwanag ang inyong sanggol na pipitong buwan pa lamang ninyong dindala. Isang himala ng pangyayari at isa rin namang tagumpay ng karunungan ang pagkakaligtas ninyo at ng sanggol sa isang tiyak na kamatayan.
Saglit na nalimot ni Priscila ang lumbay na umaalipin sa kanyang kaluluwa. Sa kanyang dibdib ay bumukal ang walang hanggang pagmamahal at pananabik sa dugo ng kanyang puso.
“Dalhin ninyo rito ang aking anak… ilapit ninyo siya sa aking mga bisig.”
Ang narses ay nakangiti at boong ingat na binuhat ang sanggol at inilipat sa tabi ng ina.
Maingat na nilaro-laro ni Priscila ang mumunting daliri ng anak at hinalik-halikan ang tila sutlang mga pisngi nito.
“Ginang,” ani Bb. Venturina habang nasisiyahang pinanonood ang anyo ng mag-ina, “alang-alang sa kanya’y sikapin ninyong mahalin ang inyong sariling buhay. Huwag ninyong tulutang ang kasawian ni Tenyente Alvar ay tuluyang magpakulimlim sa inyong pag-asa. Kung iisipin natin ang kalunos-lunos na kapalarang sinasapit ng mga sawimpalad na babae ng mga lupaing napalahok sa digmaan; kung gugunitain natin ang kapaitang kanilang tinitiis kung sa kanilang mga mata’y natatambad ang pagkasawi ng lahat ng kanilang minamahal sa buhay ay magkakaroon tayo ng sapat na lakas ng loob sa pakikibaka sa malalagim na pagsubok ng kapalaran. Ang panahon ay dakilang manggagamot; sa pagdaraan ng mga taon ay naghihilom ang sugat ng puso at napapawi ang kirot na idinudulot nito. Ginang, Alvar, magtagumpay nawa kayo sa pakikibaka sa inyong mga kadalamhatian!”
Ang mga pangungusap na namutawi sa mga labi ng butihing narses ay nagsilbing liwanag na pumatnubay sa madilim na hinaharap ni Prisicila Davinia. Ang munting si Romy ang naging tanging aliwan niya sa laot ng malungkot na pangungulila. Nabihisan ng lugod ang kanyang nagdurusang dibdib sa tuwing masisilayann ng kanyang paningin ang mabibilog na mga mata at maamong mukha ng kanyang anak.
Si Priscila ay nagsikap na madulutann ng kasiglaban ang murang kalooban ng bunsong walang amang sukat magpalayaw. Si Romy ay naliligid ng maraming laruan. Isang Isang tanging aliwan niya sa laot ng malungkot na pangungulila. Nabibihisan ng lugod ang kanyang nagdurusang dibdib sa tuwing masisilayan ng kanyan paningin ang mabibilog na mga mata at maamong mukha ng kanyang anak.
Si Priscila ay nagsikap na madulutan ng kasiglahan ang murang kalooban ng bunsong walang amang sukat magpalayaw. Si Romy ay naliligid ng maraming laruan. Isang tanging tagapag-alaga ang masinop na nagbabantay sa kanya at matiyagang sumusunod sa kanyang mga pangangailangan.
Sa pagdaraan ng mga taon ay napatunayan ni Priscila Davinia na ang mahal na sanglang naiwan ni Rosauro ay nag-aangkin ng hindi pangkaraniwang talino at lakas ng loob. Matalas ang ulo ni Romy sa pag-aaral at sa gitna ng kanyang paminsan-minsang pakikipagkagalit sa mga pala-away na kalaro ay kinmamalasan siya ng tapang at katiningan ng loob.
Minsa’y nagulat na lamang si Priscila nang humarap sa kanya si Romy na nakangunot ang noo at mapanglaw ang mga mata.
“Bakit ba, mama,” anya sa isang tinig na lipos ng pagtataka,” na sa dinami-dami ng aking mga laruan ay nakaligtaan mo pang bilhin ang naiibigan ko sa lahat?”
“Anong laruan yaon, anak ko…?” Tugon ni Priscila sabay lagda ng halik sa noo ng anak.
“Isang aeroplano, mama…!”
Si Priscila ay parang dinagukan sa dibdib. Nasalang ng kanyang anak ang sugat ng kanyang puso. Sinadya niyang huwag ibili si Romy ng laruang aeroplano. Hindi niya ibig magkaroon sa pamamahay ng anomang magsisilbing taga-pagpagunita sa kasawian ni Rosauro. At saka ngayon ay siya pang namimithi ng kanyang anak ang laruang aeroplano.
“Inaakala ko, anak, na ang pag-aaral na mua ang iyong dapat asikasuhin.” Ang amuki ng ina. “Ikaw ay nasa mataas-taas nang grado sa paaralan kaya dapat mo nang bawa-bawalan ang pagbili ng mga laruang nababagay lamang sa mga batang munti. Ang sikapin mo’y ang makapagdibuhong mabuti, ang makabasa nang matuwid at makapagsalita nang matatas.
Sa sinabing iyong ng ina ay hindi na kumibo si Romy. Ang pinagkaabalahan naman ng bata ay ang paghahagilap ng mga pirapirasong kahoy, pako, martilyo, lata at kung ano-ano pang kagamitan. Pagkaraan pa ng ilang oras ay tuwang-tuwang ipinagparangalan sa ina ang bagong kayayaring laruan.
“Tingnan mo, mama, hindi na baling huwag mo akong maibili. Heto na ang aking aeroplano…. Ang ganda ano!”
At boong siglang itinakbo ni Romy sa boong paligid ng bahay ang ero-eroplananuhang kahoy habang ang “propeller” na papel ay walang tigil ng pag-ikot.
“Alam mo, mama…” ang humihingal pang wika ng bata sabay upo sa kandungan ng natitigilang ina. “Paglaki ko’y sasakay ako sa aeroplano, paliliparin ko siya nang mataas na mataas at matuling-matulin. Ano ang tawag, sa nagpapalipad ng aeroplano?”
“Abiyador, anak ko…” Ang marahan at iling-iling na tugon ni Priscila.
“Abiyador…” Napapalakpak pa si Romy. “Ibig kong maging abiyador, mama!”
“Diyata’t magiging isang manglilipad ka rin?…”
Sa mga mata ni Priscila Davinia ay sumungaw ang dalawang butil na luha. Niyapos niya nang mahigpit ang kanyang mahal na bunso at humihikbing nagwika:
“Huwag… huwag mong ibaling, anak, ang iyong isip sa pagiging abiyador. Ayaw mo bang maging doktor, anak ko? Iyan ay isang marangal na propesyon. Mag-aral ka kaya ng abogasya, huwag lamang abiyador.”
“Ayaw kong maging doktor,” paismid na tugon ni Romy. “Ayaw kong tumingin at humipo sa mga may-sakit. Ang abogado ay totoong napakarami na. Basta, mama, ibig kong makapunta doon sa itaas… doon sa ibabaw ng mapuputing usok na iyon sa langit.
Minabuti na ni Priscila ang ipagtapat sa anak ang sanhi ng kamatayan ni Rosauro.
“Iyan din, Romy, ang naging pikit-matang pangarap ng iyong ama. Ang papa mo, anak, ay isang mahusay na manglilipad, ngunit isang araw, siya’y napailan-lang sa kaitaasan upang huwag nang magbalik sa akin kailan man. Siya ay inabot ng sakuna. Ang pagdurusang aking tiniis ay hindi ko na nais na maulit pa.
“Pero… ako naman, mama, ay magiging magaling na abiyador. Makikita mo… Hindi ko ibabagsak ang aking aeroplano… Huwag kang matakot, mama.
Naisaloob ni Prisicila na kalabisan nang makipagtalo sa anak. Si Romy ay napakabata pa at hindi pa nakauunawa ng kanyang mga saloobin. Ipagpapaibang araw na niya ang pagsalansang sa pangarap ng anak.
Sa mga raw na dumating at nagsipanaw ay napatunayan ni Priscila na hindi magbabago ng hilig si Romeo. Mula sa kabilang daigdig na kanyang kinaroroonan, si Rosauro Alvar ay isang makapangyarihang lakas na umaakay at nagtuturo sa anak.
Nang si Romy ay magtapos sa “Philippine School of Aviation” at idaos ang kauna-unahang pagsasanay sa kanyang paglipad ay daop ang palad na napatingala sa langit si Priscila.
“Patnubayan Mo po, Diyos ko, ng mabuting kapalaran ang aking anak…!” Ang dalangin ng ina habang sinusundan ng tanaw ang aeroplanong pinalilipad ni Romy sa ibabaw ng mga ulap.
Si Priscila ay parang tinugoon ng isang malamig na tinig na nakapagpatighaw sa kanyang nagdurusang damdamin.
“Ako… ako ang mag-aakay sa kanya sa landas ng kaligtasan! Ipanatag mo ang iyong loob, mahal kong asawa, itiwasay mo ang iyong damdamin…”
Noon… noon lamang lubusang nakadama ng ganap na katiwasayan ng kaluluwa ang mapagmahal na ina na ngayo’y pinagpipitaganang Kapitan Romeo Alvar.








