Ni ALFONSO IGNACIO PAGADUAN
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Disyembre 17, 1945)
Halina, giliw ko, halina sa bukid,
Tayo ay gagapas ng maka’t malagkit;
Doon ay maraming mabangong pinipig,
Singbango ng ating wagas na pag-ibig.
Pagdating ng gabi, sa sinag ng Buwan,
Tayo’y mahihiga sa pinaggikan;
Ang hinapong puso’y ating aawitan
Ng awiting bukid sa pag-aanihan.








