Ni NEMESIO E. CARAVANA
(Unang nailathala: LIWAYWAY, Mayo 29, 1950)
(IKA-21 LABAS)
SA gitna ng mga pag-alaala ni Nanding sa kagandahan ni Ganeya ay ginulat na lamang siya ng tugtog ng kampana sa bahay-pahingahan ng mga kawani at manggagawa ng “Montez Gold Mining Co.”
“Bangon na, Nanding,” ang malumanay na wika, ni tandang Soro “oras nang dapat nating ipunta sa minahan.”
Tinapunan ng tingin ni Nannding ang malaking oorasan. Nakita niyang nakapako ang mga kamaya nito sa ganap na ika-4:00 ng umaga. Takang-taka siya sa oras ng gisingan sa bahay-pahingahan.
“Ang babala ng kampana ay para sa mga hornal na siyang papasok sa tunel” ang paliwanag pa ni tandang Soro. “Natatakot akong baka hindi ka makatagal sa hirap ng gawain. Ipinagtapat ko sa iyong itinagubilin ni don Ricardo na bigyan ka ng mabigat na gawain.
Ilang sandaling natigilan si Nanding, dahil sa kanyang narinigg na pagtatapat ni tandang Soro. Bagama’t nakatalaga siya sa anumang mabigat na gawain ay dili ang hinddi nakatigatig sa kanyang damdamin ang mga katagang “mabigat na gawain.”
Inihagis ni tandang Soro ang isang balutan kay Nanding, na kinapapalamnan ng isang maong na “overall”. Matamang minasid-masid ng binata ang gagamitin niyang damit sa pagpasok sa tunel. Hindi pa man ay nararamdaman niya niya ang hirap ng gawaing sasalungahin; ang dilim na kanyang papasukin at ang mainit na hanging walang salang siya niyang malalanghap. Gayunma’y hindi nagpahalata si Nanding. Isinuot ng binata ang damit na ibinigay a kanya ni tandang Soro. Mabilis na kanyang isinagawa ang pagbibihis.
“May labinlimang minuto ka pa upang makapag-agahan” ang narinig na naman ni Nanding sa mga labi ni tandang Soro “Labinlimang minuto lamang, pagkat sa muling tugtog ng kampanja ay lululan ang lahat sa bagong maghahatid sa tunel.”
Walang imik na nakinig si Nanding. Mga mata lamang niya ang gumagalaw, ngunit sa kanyang isipa’y binubulay-bulay ang ganito: “Magagawa ko ang anumang trabahong nagagawa ng kapwa ko lalaki. Pinalaki naman ako ni tandang Andres sa mga gawain, a…”
At magkasabay sina tandang Soro at Nanding na napatungo sa komedor ng bahay-pahingahan. Tinapunan ng tingin ni Nanding ang halayhay ng mga hornal na kanyang makakasama sa loob ng tunel. Napuna niya ang malalamang dibdib at matipunong mga bisig ng sanay na mga lalaking ipinanganak upang gumawa. Hindi sinasadya’y nasalat ni Fernando Octubre, Jr.. ang kanyang dibdib.
“Makatagal ka kaya sa gawaing ginagawa ng mga lalaking kapiling mo ngayon?” ang naibulong sa sarili ng binata.
“Inumin mo na ang kape mo” ang utos ni tandang Soro,” gagahulin ka sa panahon. Dalawang minuto na lamang at tutugtugin na ang kampana.
Sinunod ni Nanding ang sinabi ni tandang Soro. Ininom niya ang mainit pang kape. Hindi na siya tumikim ng iba pang pagkain. Mabuti naman ang kahandang agahan sa mababang hapag nna kainan, ngunit parang nananabang ang kanyang bibig.
Makailang sandali pa’y lulan na sila ng bagong maghahatid sa tunel. Narinig niya ang tagubiling sinabi ng katiwalang si tandang Soro sa kapatas na si Polonyo, na pagpasundan ng mabuti ang bagong hornall na si Nanding.
“Talagang sinusubok yata ako ng kapalaran,” ang sa di-kawasa’y naibulong na naman sa sarili ng binata.
May kulang-kulang sa isang oras na tumakbo ang bagonng hila ng isang munting traktorang siyang maghahatid sa minahan. Hindi halos humihinga si Nanding nang tumigil na ang bagon na kanilang kinalululanan at sumigaw ang kapatas na si Polonyong bumaba na ang lahat.
Sumunod lamang sa nagsibabang mga kasamahan si Nanding. Hinuwad niya ang kilos ng mga hornal. Walang kurap ang mga matang sumunod sa mga kasamang pumasok sa tunel.
“Sittt!” ang narinig ni Nanding na sutsot ng kapatas, na kanyang ikinapalingon. “Ano at hindi ka gumamit ng salulong na may-ilaw na kagaya ng iyong mga kasama.”
Muling lumabas sa bunga ng tunel si Nanding. Dumampot ng isanng may dagitab na salulong at isinuot sa ulo, saka tuluyan nang pumasok sa tunel. Habang lumalalim ang kanilang napapasok ay nararamdaman ni Nanding ang paghihigpit ng kanyang hininga. Gayunma’y hindi nasira ang kanyang loob, pagkat nakita niyang patuloy sa pagpasok ang mga kasama.
“Lalaki rin akong katulad nila,” ang bulong na naman sa sarili ni Nanding. “Wala silang magagawang hindi ko magagawa.”
Walang iniwan sa isang manghuhuwad si Nanding, na kung ano ang ginagawa ng mga hornal ay siya rin niyang ginagawa. Sa kulang-kulang sa dalawang oras na pagkakahawak niya ng palang ipinandudukal sa buhangin at bato ay pumutok na ang balat ng kanyang mga palad. Gayunma’y hindi siya nagpahalata sa mga kasama, at patuloy rin siya sa paggawa. Sa gitna ng mga pagkainip ay dumating ang oras ng pananghalian.
Si Carlos na siyang pambato ng mga hornal sa minahan ay pinanaulian ng lakas. Madaling tumayo at hinarap si Nanding. Gumanti io ng isang mariing suntok sa katunggali. Ang katutubong lakas ni Carlos ay nabuhos sa suntok na kanyang ibinigay na tumama sa mukha ni Nanding. Pabulagtang bumagsak ang binata na walang malay-tao halos.
Dumating sa kanilang kinaroroonan ang munting bagong may lamang mga pagkain para sa limampung taong kanyang kinabibilangan. Talagang gutum na gutom na noon si Nanding, kaya’t hindi na nakapaghugas ng kamay at dali-daling sumalampak pagkaabut na pagkaabot sa kanyang piyambrerang may lamang pagkain, na iniabot ng igorot na si Sinay, na siyang kosinero nng mga manggagawa sa minahan.
Malalaki ang subo ni Nandiing at hindi man lamang nagtatapon ng masid sa mga kasamang nakapaligid sa kanya. Wala siyang iniwan sa bulag at bingi dahil sa umaaling kagutuman.
“Talagang mahirap nga pala ang gawain dito” ang bulong ni Nanding habang sumusubo, “gayunman ay magtitiis ako. Nakatutupad na ako sa sawikaing madalas sabihin sa akin ni tandang Andres: “sa tulo ng sariling pawis papanggalingin ang kakanin.”
Pinahid ni Nanding ng kaliwang bisig ang pawis na gumigiti sa kanyang noo, habang nilulunok ang pagkaing isinubo.
“Ang isang pananghaliang ito’yy nabayaran ko na ng mahal” ang ulit na salita sa sarili ng binata. “Lumabas na ang katutubo kong pawis sa katawan.”
“Salamat Sinay, at isinama mo si Ganeya” ang salita ng isa sa mga manggagawang binatang siyang naging dahilan ng pagtataas ng mukha ni Nanding. “Matagal nang hindi mo siya ipinagsasama. Kaunting inumin, Ganeya.”
Naging makislap ang mga mata ni Nanding. Nalimot niyang buung-buo ang kanyang pagod at mallaking kagutuman. Nabitiwan niya ang kaning isusubo na lamang sana. Namasid niyang sa kanya nakapako ang mga paningin ng magandang tala sa kabundukan, na may dalawang araw nang lumiligalig sa kanyang kaluluwa. Kitang-kita niyang binigyan ng inumin ni Ganeya ang manggagawang humingi ng inumin. Pinangimbuluhan niya ang ka-manggagawanng pinaglingkuran ni Ganeyang anak ni Sinay.
“Maaari bang makahingi rin ako ng kaunting inumin?” ang magalang na salita ni Nanding na ang mga mata’’y walang kaalis-alis kay Ganeya.
“Oo, bakit, hindi” ang mataginting na tugon ng igorota at akmang lalapit na lamang sana kay Nanding.
“Hindi maaari!” ang paasik na wika ni Carlos ng binatang manggagawang unang humingi ng inumin at hinawakan sa kanang bisig ang igorota saka… “Si Ganeya ay sa akin lamang maglilingkod!”
Pumiglas si Ganeya. Tinapunan ng isang tinging pairap si Carlos, at…
“Kaming mag-ama’y nakatalagang maglingkod sa lahat” ang wika ng igorota, “sumama ako rito upang tulungan ang aking ama.”
“Hindi maaari” ang matigas na pasiya ni Carlos, “sa akin ka lamang maglilingkod.”
At inagaw ni Carlos ang golgoretang hawak ni Ganeya, saka inihagis sa bato hanggang magkabasag-basag at tumapon ang tubig. Hindi na nakatiis si Nanding. Ipinalagay niyang isang paghamak at pag-aglahi sa kanyang pagkalalaki ang ginawa ni Carlos. Nang mga sandaling yao’y nagunita ni Nanding ang pangaral ni tandang Andres: “Iwasan mo ang basag-ulo hangga’t maaari, ngunit kung inaaglahi ang iyong pagkalalaki’y lumaban ka.”
Simbilis ng kidlat… sabay sa pagkagunita ni Nanding sa pangaral ni tandang Andres, ay dumapo sa panga ni Carlos ang isang marring suntok na ikinaupo nito sa lapag.
“Tumayo nka… tumayo ka at lumabang tulad sa isang lalaki!” ang tumataginting na salita ni Nanding.
Si Carlos na siyang pambato ng mga hornal sa minahan ay pinanaulian ng lakas. Madaling tumayo at hinarap si Nanding. Gumanti io ng isang mariing suntok sa katunggali. Ang katutubong lakas ni Carlos ay nabuhos sa suntok na kanyang ibinigay na tumama sa mukha ni Nanding. Pabulagtang bumagsak ang binata na walang malay-tao halos.
“Tumayo ka… at lumaban kang tulad sa isang matapang!” ang ganting salita ni Carlos.
Binusan ng tubig ni Sinay na ama ng igorota ang binatang nagtanggol sa kanyang anak. Nang unti-unting panaulian ng malay-tao si Nanding ay bumingi sa kanyang pandinig ang halakhak na nagmumula sa lalamunan ni Carlos. Naramdaman niyang may malalambot na daliring humahaplos sa kanyang mukha. Nabatid niyang pinagpapala siya ng mga kamay ni Ganeya.
Mabilis na tumayo si Nanding at talagang gaganti sana. Hindi siya isang kakaning-itik lamang sa pakikipagsukatan ng lakas. Isa siyang tunay na atleta, mula pa sa kanyang pagtuntong sa high school hanggang sa kolehiyo ay naging huwaran siyang manlalaro. Nang bubuhatin na lamang ni Nanding ang kanyang kamay ay siyang pagtugtog ng kampanang naghuhudyat ng muling pagpapasimula ng gawain.
“Dinaramdam kong hindi ka mapagbigyan” ang malumanay na salita ni Nanding, “pagkatapos ng gawain ay ibig kong lutasin natin ang salitaan sa labas ng tunel.”
“Huwag kang manakot” ang tumataginting na salita ni Carlos, “nakahanda ako at nakatalaga sa iyong paghahamon!”
(Itutuloy)








