Ni CELESTINO M. VEGA
(Unang nailathala: LIWAYWAY Hunyo 12, 1961)
i.
masisisi mo ba kung ako’y umibig
náng bukod sa iyo, o kabyak ng dibdib,
ngáyong nanlalamig
sa akin ang init
ng pagmamahal mong dati’y pantay-langit?
ii.
masisisi mo ba kung sa lupang tigang
o pasigang uhaw
sa patak ng ulan
ay biglang sumupling ang isang halaman
at pisngi ng langit ang tangkang halikan?
masisisi mo ba kung anq isang ibong
nilisan ng galak ay nakikisilong
sa luntiang dahon,
o nakikihapon
sa duklay ng isang ligayang mayabong?
iv.
masisisi mo ba. pinakamamahal,
ang sawing kalansay
sa luksang libingan
kunq hangarin niyang ang bukang-liwayway
mahagkang minsan pa sa pagkakahimlay?
v.
mahal ko
mahal ko
yamang anq langit ko,
sa iyong parusa’y pinapaglalaho,
bayaanq pumanaw, kaluluwa’t puso!








