Ni FRANCISCO C. MARCELINO

(Unang nailathala: LIWAYWAY, Abril 3, 1950)

Akoy paruparo sa sapot na munti

Ibig makaahon sa dusa’t pighati

Ngunit ang umagang sa aki’y ngumiti

Ay hamog ng lungkot na may salaghati

Kaya’t anhin ko mang mabawi ang ngiti;

Ang ngiti sa tuwa’y umilap na muli.

Ako’y kaluluwang naglayag sa gitna

Ng dagat, sa mithing marating ka mutya;

Ngunit hindi pa man nakatitingala

Alon sa buhay ko ay dumagsang bigla;

Nabigo sa layong sa pagtitiyaga

Ay may aanihing ligaya at tuwa.